Chapter 88 : Someone's Revealed

17.4K 436 20
                                    

King Liquen POV :

"Mahal na hari, may mensahe pong nagmula sa isang mensahero" ulat sakin ng isa sa pinagkakatiwalaan Kong kawal.


"Saan galing?"


"Ayaw pong magsalita Mahal na Hari , ng itoy dadalhin na namin sainyo ay bigla na lamang ito naging abo. Nagulat nga po kami." Sabi pa nito.

Saan naman kaya ito posibleng manggagaling?


Napaisip naman ako at kinuha ang sulat na dala dala nito.



"Haring Liquen, humanda ka sa nalalapit nating paghaharap. Sa pagkakataong ito magtatagumpay na Kong kunin sayo ang lahat ng dapat ay akin. Sulitin mo na ang nalalapit mong oras na kasama mo ang pamilya mo. Mag iingat ka Mahal na Hari.
Ang yong matalik na kaibigan, Payton"



Halos hindi ako makahinga. Paanong nabuhay ang taong yon?

Pinatay ko na sya!


Isa syang malaking tinik sa lalamunan ng CraetonPalace.
Sa digmaan makikita ko na naman sya.


"Tawagin ang buong kawal ng palasyo! Ihanda sila sa nalalapit na digmaan. Ihiwalay ang ensayo ng mga kabataan. Tawagin ang mga konseho!" Utos ko sa mga ito.

Payton! Hindi ko man alam kung pano ka nabuhay pero sisiguraduhin kong sa susunod na magkikita tayo, sisiguraduhin Kong mabubulok ka sa ilalim ng lupa bago kita iwanan.

Hindi ang katulad mo lang ang makakapatay sakin. Hah!


Ilumina POV :

Binisita ko si Georgina kanina at nagulat ako sa nadatnan ko.

She looks stress and haggard.


Mukha syang di nakatulog ng isang buwan sa itsura niya kanina.

Kinuwento naman niya ang nangyari.
Pinagagawa daw sya ni Uryana ng spell na makakatulong sa mga estudyante sa war.

I just hope na malaki ang maitutulong ng potion na yon



"Baby, Tara na, nandoon na sina Chi" inaya na ko ni Dark na pumunta kina Red.

I didn't expect na magiging ganon sila ka close.


He maybe a good father sa mga magiging anak namin.

Oh diba advance mag isip? Haha


"Mommy! Namiss ka namin" sigaw ni Red at tumakbo papunta sakin.

Yinakap ko naman ito at agad kinarga.


"Acho muna chay Mommy! Baba RED!" Tili ni Chinea na hinihila pababa si Red sa kin.

Si Chi naman ang kinarga ko.

Namiss ko tong mga to. Tagal ko na din silang hindi nakakasama.


After few more hours napagod na din sa kakalaro ang dalawa.

"Cous, tapos ko na ang pinagagawa ni Uryana. Someone wants to talk to you" bulong ni Georgina sakin.


The Golden Eyed Demon HuntressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon