Chapter 7: Parvus Locus

28.4K 820 16
                                    

3rd POV :

In a very far far away land.

Syempre joke lang yun.
Eto na.

Sa isang maliit at tagong parte ng CraetonLand doon makikita ang isang baryo na kakaiba.

Hindi mo ito basta basta matatagpuan dahil nababalutan ito ng makapangyarihang salamangka na tanging mga Demon Hunter lamang ang may kakayahan.

Tama kayo ng nabasa, may iilan pang natitira sa kanila.

Sa isang kadulu duluhan ng gubat ng Vetita Silva ay may mga Demon na nakalusot at sila ngayoy pinag tutulungan ng dalawang Hunter.

Booghshh tsinggg shunnggg
Tssugghh booggssshh

Mabilis ang kilos ng dalawa. Kahit nasa 5 malalaking demon ang kalaban nila ay di sila padadaig.

Halatang sanay na sanay ang mga ito.

May hawak silang tig iisang espada at dalawang katana na may ibat ibang disenyo.

Makalipas ang 10 minuto naglaho ng parang bula ang 5 halimaw.

"Ang daya! Ang bilis nilang matalo. Di pako tapos e."reklamo ng isa

"Mag tigil ka nga. Buti nga wala na sila. Nakakadiri kaya!" Reklamo din ng kasama nito.

Sabay na silang lumisan ng lugar na yon at pumasok sa maliit na baryo nila.

Tinatawag nilang Parvus Locus ang lugar na to.

Nang makarating sila sa lugar nila ay tinawag sila ng isang matandang may maputing balbas. Di ito kababakasan ng katandaan dahil sa matikas pa nitong tindig.

 Di ito kababakasan ng katandaan dahil sa matikas pa nitong tindig

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
















"Tandang Delo, galing po kami sa dulo. Nakakapasok na po ang mga demon sa Vetita Silva." Imporma ng isa sa dalawang hunter na tumugis sa mga demon.

"Wag kayong magalala, siya na bahala sa ibang natitira." Makahulugang sabi nito.

"Tandang Delo, mawalang galang na ho. May impormasyon hong pumasok sa tanggapan kanina na galing daw sa LightIluxia Academy ang mga nagpapalabas ng mga Demon ngayon." Sabi naman ng bagong dating.

"Kung ganon ay may traydor sa paaralan na yon." Sambit nito habang hinihimas ang may kahabaan nitong balbas.

"Ano hong magagawa namin ? Gusto naming tumulong" pahayag ng isa sa mga hunter.

"Huwag na. Siya na ang bahala dito."

Tumalikod na si Tandang Delo at pumasok na sa bahay nito.

"Alam kong nandyan ka iha. At alam ko ding ineexpect mo to" pagkasabi nito ay bigla na lamang lumabas mula sa salamin ang isang babaeng hindi mo maipagkakaila ang angking ganda.

"You really know me Grandpa" nakangiting sambit nito.
Nakasuot ito ng damit ng mga hunter pero alam nilang pareho na hindi lang sya basta hunter.

"Yeah .you know what to do apo. I trust you on this"

Pagkasabing pagkasabi nito ay bigla na lamang naglaho ang Babae.

'I really can count on you apo. My dearest Lucerna Crae Lychinus.'

HeadMaster Henix POV:

Noong binigay nila sa akin ang Vemica Mola na binigay daw sakanila ni Yushen ay labis labis ang gulat ko.

Sinong hindi magugulat kung ang pinaka malakas na proteksyon sa buong CraetonLand ang hawak ko ngayon?

Tatlo lamang ang may ganito sa buong mundo ng Craeton.

Una ay nasa Craeton Palace at ang pangalawa at nasa Harem Palace.

Ang pangatlo ay walang nakakaalam. Pero hindi na ngayon.

Nasa harapan ko na.
Paano nagkaroon ng ganito si Yushen? Hindi naman pupuwede na may ganito sa Vetita Silva.

Hindi tinatanggap ng gubat na yon ang anumang proteksyon.

Nakapagtataka talaga.

Tinanong ko ang 4LRP kung meron pa syang kasama sa gubat na yon.
Sabi nila ay ang anak daw niya ang sumalubong sa kanila.

Napaka imposible. Hindi sya maaring mag kaanak.
Ang gulo, sumasakit ulo ko ah.

Kasi naman, kung hindi niyo natatanong ang mga Goddesses at Gods lamang ang kayang gumawa ng isang Vemica Mola.

Kung ang sabi nina Alex ay makapangyarihan daw ang babae at nakakagamit ito ng kapangyarihan isa lang ang ibig sabihin non.

Nakabingwit este may tinatago si Yushen sa loob ng Vetita Silva.
At wala akong balak alamin yon. Haha

Jusme, takot kulang don noh. Halimaw kaya magalit yung taong yun.

Isa pa pala kinapagtataka ko. Agad agad niyang tinulungan ang mga estudyante ko.
Sabi ni Blue may tumulong daw sakanila na makiusap kay Yushen.

Alam ko na kung sino yun

Sino pa ba e isa lang naman yung kasama niya dun. Yung 'anak' daw niya kuno. Tsk

Sino ba yun? Sino sya...

The Golden Eyed Demon HuntressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon