Chapter 59 : Modelling

18.3K 502 1
                                    

Ilumina POV :


"Gulay naman eh! Asaan na yung isusuot ng model ko ha!?" Kanina pa gigil na gigil si Sabrina sa mga kasamahan nito.





"Eh madam, iniwanan lang naman namin dyan kanina eh" katwiran naman nung isa.

"Naku! Kayo talaga! Sasarap niyong kurutin sa singit!" Nagsiurungan naman ang mga babaeng pinagbantaan nito.

Hahaha they look really scared huh.






Wondering why am I in this position? Wag nalang ako mag flashback ha, baka kurutin ako sa singit ni Sabrina.



Ok, so maghapon lang kami nakakulong ni Baby Luarke.
Buti nalang talaga may nabili nakong pagkain niya.






Then bandang tanghali napagpasyahan kong kumain muna sa labas.

Baby Luarke is inside my coat.

Tahimik lang naman sya since binusog ko sya.





Pagkatapos kong kumain ay naglakad lakad lang ako hanggang sa nakabungguan ko tong si Sabrina.

I don't know her. Nagpakilala lang sya.

Then Maya maya sabi niya nga kulang sya ng model na magsusuot ng creation niya.






May mga ganon ganon pala dito? Sus pauso nila.

Ibinalik ko muna si Baby Luarke sa room namin dahil Baka may makakita.

I just cast some invisible barrier sa kanya at nilagyan ko na din yung pinto namin.








At nandito na nga ko. Binibihisan na ko ni Sabrina na kanina pa aligaga.

"May problema ba?" Tanong ko




"Kasi ano eh. May kulang pa eh." Di madirediretso nito ang gustong sabihin.

"Ano nga yon?"



"Yung buhok mo kasi Mina. Di naaayon sa damit mo. Balak ko sanang k-kulayan? Kung ok lang naman?" Kinakabahang sabi nito.



Kukulayan niya? Naku naman.

Oh well mabilis ko namang maiiba ang kulay nito pag nagkataon.





"Sige ok lang. Basta dapat hindi magtatagal ang kulay na yan ah" sabi ko

"Oo naman pang tatlong araw lang naman bisa non" nakangiti na ito ngayon.




Kung nagtataka kayo sa gagawin ko. Rarampa lang naman ako.

Ang may pinaka magandang suot or costume ang kukunin sa palasyo para syang personal na gumawa ng kasuotan ng mga mandirigma nila.





Naiintindihan ko ang pangarap ni Sabrina. Gustong gusto daw kasi nitong maglingkod sa palasyo dahil nandoon daw ang mga magulang niya.

Ang nanay nito bilang taga pagluto at ang tatay naman nito na sundalo ng kaharian.



I just hope na matuloy ang pangarap niya. Sana lang maipanalo ko.

I have a partner na kasabay ko sa pagrampa. His name is Aries. Pinakilala na sya sakin nina.





"Ihanda na ang mga models niy0! Mag uumpisa na sa loob ng isang minuto!" Sigaw ng isang organizer yata yon.




Nakulayan na din ang buhok ko at retouch nalang ang ginagawa sakin.

The Golden Eyed Demon HuntressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon