Chapter 78 : Nightmare

18.6K 489 10
                                    

Someone POV :





"Kamahalan, napag alaman namin na tapos na ang pagsasanay ng mga maharlika." Magalang na ulat ng isang utusan sa kamahalan nito.

"Tsk. Kahit magsanay pa sila ng mahabang panahon hindi nila ko matatalo. Mga hibang na sila" sabi nito.





"Ina, ano nang plano niyo?" Tanong ng binata sa ina nito.

"Huh! Bakit gusto mong malaman anak? Baka naman hihingi ka lang ng impormasyon para maligtas mo ang babaeng yon" akusa nito sa anak niya.

Hindi naman kumibo ang lalaki kaya lalong napagtibay ng ina nito ang akusasyon na ililigtas nga nito ang babaeng tinatangi.




"Tumigil ka sa kahibangan mo Aquilla! Hindi kita pinalaki ng tanga! Wala kang pinagkaiba sa ama mo na puso ang naging kahinaan!" Galit na galit na sabi nito sa anak.




"Patay na si ama kaya wag mo na syang idamay pa" nagpipigil na sabi nito

Napaismid naman ang babae sa tinuran ng anak.



"Bakit hindi ba totoo? Lintik na Uryana na yan! Magbabayad sila ng mahal"

Hindi na lamang pinansin ng binata ang sinabi ng ina at umalis na.




Sa isip nito ay gagawa sya ng paraan para di mapahamak si Ilumina.








Uryana POV :

Hmp! Kapal talaga ng mukha ng Stella na yun!

Sya ang may kasalanan ng lahat kaya nagka watak watak ang lahat.






Kung makikita ko sya ay kami ang magtutuos.

Kasalukuyan Kong pinapanood ang nangyayari sa palasyo niya sa aking mahiwagang tubig.





Lahay ay nakikita ko at hindi ko to nagugustuhan.

The war will come soon.




Sana lang maging handa ang lahat lalo na si Ilumina.

Things won't be the same anymore.




Ilumina kayanin mo, para sa kapatid ko.









Georgina POV :




"Lolo, handa na ang mga prinsesa at prinsipe ng mga kaharian." Imporma ko dito.

"Magaling Georgina. Sa ngayon hintayin muna natin ang susunod na hakbang ng kalaban." Tumango lang ako sa sinabi ni Lolo.






"Eh lo, pano pala si Lucerna? Inform din natin?" Tanong ko dito.

Umiling lang ito at nagsabi






"Not yet. Hindi pa buo ang pagkatao niya. May kulang pa na di pa niya alam. Sa ngayon subaybayan mo muna sya. Bantayan mo na muna sya"sabi nito.





Tumango lang ako.






Bumalik na din naman ako sa LIA dahil may naiwan pa kong Gawain.

Napadaan ako sa isang madilim na hallway ng school. Malapit to sa forest garden na madalas tambayan ni Mina. Baka sya to?






"Naman eh! Kelan ba sila susugod? Naiinip na ko!" Sabi ng boses na pamilyar sa akin.

"Wag kang mainip. Darating din tayo dun. Hintayin lang natin ang sunod na utos ni Aquilla" shit! Mga traydor to ah






Bago pa ko maka react ay isang malakas na pagsabog ang narinig ko.

The Golden Eyed Demon HuntressWhere stories live. Discover now