Chapter 1 : Harem Palace

43K 1.1K 37
                                    

Her POV:

"Master! Pahinga naman tayo. Nakakapagod kaya" hingal na sigaw niya sabay upo sa damuhan.

'Palibhasa kasi mas bata ako kaya ako lagi pinapagod'

"You know that I can hear your thoughts, young lady"biglang sulpot ng master niya sa kanyang likod.

Nagulat man ay hindi niya pinahalata ito sa kausap niya.
Umupo na rin sa tabi niya ang master niya.

Si Master Yushen Lee o Master Lee ang taong kumupkop sa kanya ng iwanan siya sa harap ng pintuan ng bahay nito.
Kinuwento sa kanya nito ang lahat kung paano siya napadpad sa pangangalaga nito

Hindi nagkulang Si master sa mga pangangailangan ko.
Kaya malaki ang utang na loob ko sa kanya.

Kung may gusto man akong gawin ngayon, yun ay hanapin ang tunay kong mga magulang.
Hindi naman ako nagtanim ng sama ng loob. Alam ko kasing may dahilan ang lahat ng ito.

Ganyan ako pinalaki ni master.

"Ano,? Magbabalik tanaw kana lamang ba dyan?" May himig panunukso nitong tanong sakin.

Oo nga pala, nag eensayo kami ngayon gamit ang mga kunai at shuriken.
Kung nagtataka kayo kung bakit at para saan, aba hindi ko din alam. Haha

Sabi kasi ni master Lee sa tamang panahon daw magagamit ko lahat to. Kaya pinag kibit balikat ko nalang ito.

Mahusay kaya siya magturo kaya simula nung 8 taong gulang ako at hanggang ngayong 13 anyos nako e alam ko na halos lahat.
Madali din kasi ako matuto.
Na perfect ko na din kasi lahat ng self defense at lahat ng klase ng martial arts.

Kaya ngayon sa mga weapons na kami. Natapos kuna yung target shooting, hand to hand combat, short and long range.

Ngayon naman sa mga Kunai, shurikens, katana, samurai at lahat ng matatalim na bagay.

"Focus on what you're doing young lady! Hindi sa lahat ng oras papanig sayo ang suwerte."

Lagi naman ganyan Si Master. Hindi nawawala yung mga pangaral niyang ganyan.

Hingal na hingal nako. Pano ba naman since 4am nag uumpisa na kami. At anong oras na pala?

"12:40" sagot ni Master na panigurado binasa na naman ang iniisip ko.

Asus, kaya pala gutom--😨😮😥 whuaaat??!! Alas dose na!
Taragis, biruin mo yon. 8hrs akong walang hinto sa pag eensayo. Hustisya pls?

"Yumi! Halika na! Hindi mo makakain yang hinihingi mong hustisya!" Hala. Anlayo na pala ni Master. Pero ano daw?

Dali dali na din akong tumakbo para makasunod sa kanya.
Sa totoo lang, kating kati na ko sa suot ko na to. Napaka init eh.

Ewan ko ba dito kay Master. Para daw magmukha akong ninja. Pangarap daw kasi niyang maging Ganon nung kabataan niya.hihihi.
Hulaan niyo kung ilang taon na si Master?

"Diyaskeng bata ire. Tumigil kana dyan! Bat pati edad ko e chinichismis mo?" Hahaha naiirita na Si Master.

"Kasi naman po Master, wag niyo na kasing basahin isip ko para hindi na kayo mainis."
Kelangan ko na atang tumakbo. Hahaha mag bebeast mode na kasi siya e.

"Abat! Hoy ! Yumi come back here! You brat!"
Hahaha nauna na tuloy ako nakauwi Kay Master.
Nagtataka ba kayo kung bakit nakaka basa ng isip yung Master ko?
Kasi Alien sya! Hahaha kornik.

De, joke lang. Lahat kasi ng nakatira dito sa CraetonLand ay may mga kapangyarihan.
Of course including me.

Pero sa ngayon, hindi muna tinuturo ni Master sakin yon.
Naiinggit nga ko e. Pero sabi naman niya sa takdang panahon, ituturo niya daw lahat.

The Golden Eyed Demon HuntressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon