Chapter 23 : She's Scary

23.6K 691 22
                                    

HM Henix :

Kumalat na sa buong LIA ang nangyaring kaganapan noong nakaraang gabi.

Nag usap usap na din ang buong council dito.
Marami ang hindi natuwa, syempre sino ba namang matutuwa kung mga estudyante  mo ang nagpapasimuno ng gulo.
Hayy ang hirap talagang maging pogi este maging headmaster pala.

Buti nalang pala at nandoon si Ilumina at kung hindi...
Teka bat nga pala sila nandoon?
Ang tanga ko talaga, bat dikoman lang inalam ?

"Myloves, halika nga muna dito" baka may alam si myloves. Tsismosa yun eh sshhh lang kayo ahh.

"Oh myloves bakit?"
"Kasi myloves, nawala kasi sa isip ko na itanong bakit nandon ang grupo ni Prince Gray at grupo ni Ilumina?" Tanong ko

"Naku naman myloves, hindi ka talaga nakikinig. Sila na kaya. Si Ilumina na at si Prince Gray. Official na mag on na sila. Kalat na kaya sa buong LIA" see? Tsismosa nga talaga.

Sila na?
Ano ba yan. Ke babata pa, maaga ng nakikipag relasyon.

"Pano myloves may naiwan pa kasi Kong trabaho don. Balikan ko lang ha" paalam nito. Hinalikan niya muna ko bago lumabas.

Ang sweet talaga ng Loreya ko kahit tsismosa. Haha


Ilumina POV :

Hindi ako mapakali ngayon.
Actually kagabi pa to e.

Nakatulog naman ako kaso may something talaga e.

Nag lelesson kami ngayon about demons. Alam niyo bang halos di ako makalapit sa upuan ko kanina dahil sa mga kaklase ko.

Kesyo pano daw naging kami.
Ano daw pinakain ko para maging bf ko daw ang prinsipe nila. As If naman no

Kung Hindi lang dumating si Sir Eros dipa ko makakatakas sakanila.

History pala lesson namin ngayon.
At wala akong balak makinig.
Paulit ulit ko na kasing nabasa yan nung nasa poder pako ni Master--

Shit? Si Master nga!

Ginamit ko ang kapangyarihan Kong hangin para malaman ko kung anong ginagawa niya.

Binulong sakin ng hangin na kasalukuyan daw nakikipag laban si Master sa mga demon.
At base sa nararamdaman ko it's not really good.
Damn I need to save him.

Nagtaas ako ng kamay.

"Yes binibining Ilumina? May kailangan ka?" Tanong ng guro. Bata pa para maging guro si Sir Eros kung tutuusin.

"Masakit tiyan ko. Puwedi po bang mag c.r sandali?" Nagtawanan naman ang iba Kong kaklase pero wala Kong pakialam.

"Sige bilisan mo lang" pagkasabing pagkasabi niya non ay dumiretso nako sa opisina ni Henix.

Teka parang di ko ata napansin si Flora?

Kumatok muna ko bago ko binuksan ang pinto.
Nakita ko syang kausap si Rumina. Nagtanguan lang kami. Syempre medyo ok na din kami.

"Anong kailangan mo Miss Ilumina?" Tanong nito habang nakaupo.

"Kailangan kong makalabas ng LIA ngayon din."diretso Kong sabi.

Walang puwang ang pagiging mabagal ko ngayon dahil nakasalalay ang buhay sakin ni Master.
At habang tumatagal ay nararamdaman kong humihina na sya.

"Alam mong mahigpit na pinagbabawal ang nais mo Ilumina" sabi nito. Seryoso niya kong tinitingnan pero mas seryoso ko ngayon.

"I NEED TO GO NOW! IF U LOVE YOUR FUCKING SCHOOL YOU'LL DO WHAT I SAY! IM BEING SERIOUS HERE HENIX! YOU KNOW WHAT IM CAPABLE OF! NOW I WANT U TO OPEN THE GATE! NOW.!" hindi ko na napigilan ang sarili ko. Alam Kong nagiging gold na ang mga mata ko.
At wala akong pakialam kung sino pa makakita nito.

The Golden Eyed Demon HuntressWhere stories live. Discover now