Chapter 12: Someone's sneaky

26.1K 767 5
                                    

Ilumina POV :

Nasa kwarto lang ako ngayon.
Mabilis lumipas ang araw at bukas ay pasukan na.

I'm excited.tsk

*tok tok*

"Pasok" baka si Snow to.

"Ahm Mina, gusto mo bang mag tour ngayon?"alok nito.
Sabagay, wala naman ako ginagawa.

Kahit memoryado ko na ang buong LIA ay pumayag padin ako.

Sabay na kami lumabas ng dorm.

"Wala ata si Kim?" Pansin ko. Di ko napansin e

"Ah nasa cafeteria, nagsasawa na daw sa mga luto ko, haha"
"Masarap naman luto mo ah"
Totoo naman eh. Pero mas masarap parin luto ko. Hahaha yabang ba. Honest lang

Medyo malayo layo narin ang nilakad namin.
Nagugutom na ko. Magtatang halian na kasi.

"Tara, mukhang pagod kana. Caf muna tayo" buti naman napansin niya. Wala atang kapaguran tong babaeng to.

Pagpasok namin ay iilan lang ang kumakain.
Napansin nga namin si Kim na mag isa lang nakaupo habang nagbabasa ng libro.

"Kim!" Tawag ni Snow sakanya.

Napatingin naman ito saglit at bumalik din sa binabasa ng makita niya kung sino tumawag sakanya.

Hinila naman ako ni Snow para mabilis kaming makalapit sa lamesa ni Kim.

"Dito ka lang Mina, ako na Oorder. Ano ba gusto mo?"
Mukhang nasasanay na sya sa Mina ah.

"Kahit ano, basta masarap" Hindi naman kasi ako mapili.

"Sige. Wait lang. Kim behave lang ah" turan pa nito bago umalis.

Tinitingnan ko ang librong binabasa ni Kim, mukha itong luma na.
Hinahanap ko ang title nito pero natatakpan ng kamay niya.

"The Curse Land" biglang sabi nito.

"Ha?" Ano daw?
"Hinahanap mo title diba?"

Ahh hala. Obvious pala ko?
"Ah he he oo e"

Parang ngayon ko palang ata narinig yun?

"Ngayon ko lang ata narinig yan"

"Yes. Iilan nalang ang nakaka alam sa sinumpang lupa na yon. Kahit ang ibang royals ay hindi na yan alam.'' Paliwanag niya

"Eh bakit ikaw alam mo?"
"Tsk. Doon ako nanggaling bago yon sinumpa."sagot nito.

"Ah ganon ba? Pasensya na" nagbago kasi bigla expression nito.

"Tsk." Di nako nagtanong, mukhang sensitive sya sa topic na yun.

"Heto na!" Andito na pala to. Teka bat andami namang inorder ng babaeng to.

"Andami naman? Ikaw kakain lahat niyan?" Jusqoe may dragon yata sa tiyan nito

"Ano ka ba. Satin dalawa yan. Di ko kasi alam gusto mo. Sabi mo lang Basta masarap,e masarap lahat kasi yan." Paliwanag nito. Ok payn

Tiningnan ko naman yung mga nasa tray.

Pambihira, ngayon ko palang nakita ang Kalahati na nasa tray. Ice cream lang ata kilala ko.

"Tikman mo to dali. Masarap din to. Caro piscis tawag dito." Pilit niyang nilalapit sakin to.
Sabi ko nga di ako maselan sa pagkain kaya tinikman ko.

Hmmm masarap naman. Malambot nguyain.

"Anong klaseng pagkain to Snow?" Tanong ko.

"Laman yan ng isda. Tinanggalan ng tinik."
Ahh ok naman pala.

"Eh eto."turo ko sabay dampot.
Tinikman ko, masarap din sya.

"Lingua Pullum tawag dyan"
"Oh? San naman galing?" Nakaka tatlo nakong subo na ko.

"Eh ano. Hmm dila yan ng manok"
Ah dila naman pala ng ma-

"Ano??!! Kadiri!!"
Letche babaliktad pa ata sikmura ko.

"Sorry Mina, masarap naman diba?" Tanong nito. Tiningnan ko naman sya,parang nagmamakaawa ang mga mata nito.

Kainis. Ok sana kung dila ng baboy kasi nakatikim nako non.
Eh dila ng manok? Ngayon ko pa nga lang narinig na niluluto din pala yon?

"Sige ok lang. Di naman siguro ko mamamatay dyan." Kinuha ko nalang yung ice cream at yun nalang nilantakan ko.

"Teka, asan si Kim?" Tanong ko.

Di ko napansin na kanina pa pala wala yun.

"Umalis na ata. Di ko din napansin eh"

Pagkatapos namin kumain ay naglibot libot kami ulit.

"Eh Mina, masakit Tiyan ko. Puwede hintayin mo ko dito?" Sabi ni Snow habang nakahawak sa Tiyan nito.

"Sige . baka dito kapa magkalat. Hintayin kita sa puno na yon" tinuro ko yung puno na medyo malapit sa kinaroroonan namin.

Pagkasabi ko non ay nagtatakbo na sya. Taeng tae na siguro yun.

Inakyat ko yung punong tinuro ko kanina.

Presko talaga hangin dito.
Sarap matulog.
Makaidlip nga, mamaya pa naman siguro yun.

3rd POV :

Kanina pa naka tulog si Ilumina at di niya napansin ang isang nilalang na kanina pa nagmamasid sa bawat kilos niya.

"Namimiss na kita " bulong ng nilalang na ito.

"Sana ako nalang kasama mo kanina" inggit na inggit ito sa mga nasaksihan niya kanina.

Simula kasi ng umalis sila sa dorm ay nakasunod na ang taong ito sa kanila.

Isang sulyap ang binigay nito sa natutulog bago ito tuluyang lumisan.

"Makakasama din kita " huling sambit nito bago bumaba sa kinatutuntungan nitong puno.

Someone's POV :

Kanina pa ko naghahanap sa pasaway na yon.

"San ka nanggaling?" Sita ko sakanya ng makita ko ito na nakaupo sa labas ng pinto niya.

"Gusto ko na syang makita kuya.*sniff*  Namimiss ko na sya. *sniff*  Alam mo ba sinundan ko sya. *sniff*  Inggit na inggit ako kasi iba kasama niya. Huhuhu gusto ako din eh"hayy kawawa naman tong kapatid ko.

"Hintay ka lang. Makakasama mo din sya. Pasukan na bukas diba?" Alo ko sa kanya

"Oo nga no? Bat di ko naisip yun? Ahaha sige kuya. Kakain lang ako. Kanina pako nagugutom e"
Tsk bipolar talaga.
Sana nga maging maayos lahat.
Sana nga

The Golden Eyed Demon HuntressWhere stories live. Discover now