Prologue

70.4K 1.4K 31
                                    

"Mahal, mag iingat ka. Alam mo namang kabuwanan muna. Dahan dahan lang naman." Hindi magkandaugaga ang asawa nito sa pag alalay sa kanya.

"Hmp. Pang asar ka talaga. Marunong naman ako mag ingat no." Nagtatampong saad ng misis nitong malaki na ang tiyan.

Nasa Hardin sila ng palasyo dahil nakiusap ang buntis nitong asawa na gusto daw nitong makakita ng mga bulaklak na bagong sibol pa lamang.

Inalalayan niya itong umupo sa isang mahabang upuan na talagang pinasadya niyang ipalagay para sa mahal nitong asawa.

"Mahal, nakaisip kana ba ng ipapangalan natin sa anak natin?" Lambing nitong tanong sa kanya.

"Eh wala pa e. Akala ko ba sabi mo dati ikaw magpapangalan sa kanya kapag lumabas na?" Naguguluhang tanong niya.

"Kahit na! Dapat kahit paano nag isip ka man lang. Wag mo sabihing wala kang pakialam sa anak natin?!" Pataas na ang boses nito. Napatayo pa ito sa sobrang galit nito sakanya.
"Sinasabi ko na nga ba! Hindi mo na ko mahal! Hindi mo na kami mahal! Napakasama m--" hindi na naituloy ang sinasabi nito dahil bigla na lamang siyang hinalikan ng asawa nito.

"Tigil na ha. Mahal na mahal ko kayo. Baka mapano kapa." Lambing nitong saad sa asawa nito pagkatapos niya tong halikan.

Dahan dahan niya itong pinaupo ulit at saka niyakap.
"Akal ko kasi * sniff* wala kana *sniff* pakialam samin" di na nito mapigilan ang sobrang sama ng loob kaya napaiyak na lamang ito.

"Hinding hindi mangyayari yun. Kayo ang buhay ko. Tigil na hah"
"Mahal na mahal ka din namin ni baby Lucerna."

" ha? Kala ko ba wala ka pa naipapangalan sa anak natin?" Takang tanong nito sa asawa nito na ngayon ay may malaking ngiti na.
" bigla kolang naisip e.he he"

"Kaw talaga" napailing na lamang ito sa pabago bagong ugali ng asawa. Sanay na din naman sya. Sa syam n buwan ba Namang nasa tabi niya ito e di pa ba sya masasanay?

Habang naglalambingan ang mag asawa ay biglang dumating ang isang kawal na humahangos pa.

"Mawalang galang *pant* na po mahal na hari, mahal na *pant* reyna. Nilulusob na po ni *pant* Payton ang Mulciber sa bandang hilaga." Hingal na saad nito.

Bigla namang nabahala ang hari at reyna sa kanilang narinig. Oo tama, sila nga ang hari at reyna Craeton. Si King Liquen Rod Lychinus at Queen Luciera Crane Lychinus.

"Papuntahin mo ang grupo ni Galder sa hilaga. Alam na niya ang gagawin doon. Pagkatapos, papuntahin mo dito si Luwen. Madali ka!" maawtoridad na pahayag ng hari.

Kahit na nababahala sa nalalapit na digmaan ay kailangan padin nitong mag isip bilang isang tunay na hari.

"Mahal, ano nang mangyayari?" Kinakabahan na din ang mahal na reyna hindi para sa kanya kundi para sa anak nilang hindi pa man nasisilang ay magulo na ang mundong kamumulatan.

"Wag kang magalala, maayos din ang lahat." Sabay halik into sa noo ng reyna.

"Mahal na hari, pinatawag niyo daw po ako" magalang na tanong ng bagong dating.

"Oo Luwen. Gusto Kong ihanda mo ang mga gagamitin Kong damit at armas pandigma. Papuntahin mo din ang lahat ng matatanda at bata na hindi kayang lumaban sa sekretong taguan natin."

"Masusunod mahal na hari"
Pagkaalis ni Luwen ay agad na niyakap ng mahal na reyna ang kanyang asawa.

"Sigurado kana ba dito?"tanong into
"Oo mahal ko. Magtiwala kalang. Kelangan mo magtago sa silid mo. Wag na wag kang lalabas hanggat hindi ako ang kumakatok. Nagkakaintindihan ba tayo?"tanong nito sa asawa.
Tumango lamang amg reyna at inakay na niya ito patungo sa kwarto nito.

"Magiingat ka. Mahal na mahal kita." Bulong ng reyna bago ito pumasok sa kwarto into.

Pinasundo ng hari ang ilang dama at tagapaglingkod ng reyna upang samahan ito sa kuwarto nito.

Bago umalis ay humalik muna ito sa asawa at hinalikan din nito tyan ng reyna.

Papunta pa lamang sila ng asawa niya sa kwarto ay ramdam na ng reyna ang mga susunod na mangyayari kaya pinakuha na niya sa mga ito ang kakailanganin sa panganganak niya.

"Iire mo pa mahal na reyna. Malapit na ang ulo." Pagbibigay alam ng manghihilot.

"Uggggghhhhhhhh" isang mahabang ire ang pinakawalan ng reyna bago nila narinig ang iyak ng isang sanggol.

" uhaaaa uhaaaa uhaaaa" hindi magkamayaw ang lahat ng nasa loob ng kwartong yun dahil sa wakas naisilang na din ang kaisa isang prinsesa ng buong CreatonLand.

"Prinsesa Lucerna Crae Lychinus. Yan ang ipapangalan sa kanya"saad ng reyna na tuwang tuwa habang hawak nito ang anak.

"Mahal na reyna! Mahal na reyna! Sinusugod na po ang loob ng palasyo!"
Tarantang sigaw ng isang kawal sa labas ng pinto.

Dali dali namang nag isip ang reyna ng paraan para maligtas ang anak niya. Iisang tao lang ang sumagi sa isipan niya ng mga Sandaling yun.

"Mahal na reyna! Saan po kayo pupunta? Mahina pa po kayo.!" Hindi na niya pinansin ang sigaw ng mga dama na nagmamakaawang pumirmi na lamang siya.
Hindi maari. Nasa panganib ang anak niya. Kelangan niya itong mailagay sa ligtas na lugar.

Kahit sunod sunod ang patak ng ulan ay hindi niya ito ininda. Mabuti na lamang ay walang sumasalubong na kalaban sa kanya.

Lakad. Takbo. Lakad. Takbo.
Sige pa. Malapit na. Ayan na.

Pumasok siya sa isang kagubatan na nababalot ng mahika. Nakita niya ang hinahanap niya.

Dahan dahan niyang binaba ang sanggol na nuoy tahimik lamang na natutulog.
'Patawad anak. Ito lamang ang alam Kong ligtas na lugar para sayo. Balang araw, malalaman mo din. Mahal na mahal ka naming ng ama mo'.

Iyon lamang at iniwan na niya ito. Alam naman niyang naramdaman na ng nakatira sa bahay na yon ang presensya niya kaya Alam niyang makikita agad into ang anak niya.

Sana lang tama ang desisyon niya.
Sana nga. Sana.

The Golden Eyed Demon HuntressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon