Chapter 27 : C-class

23K 613 13
                                    


Ilumina POV :

I'm now in my room.

Matapos ang insidente kanina ay pinabalik na kami sa kanya kanya naming dorm.
Pinag half day lang kami.

I'm kinda bored now.
Wala kasing magawa.
Pinatawag kasi sina Dark sa palasyo nila. Its already Thursday now.

Bukas may meet up na naman daw sa dining hall pero di na yun mandatory.
Kaya ang inyong lingkod ay matutulog ng maaga bukas. Hehe

Wala narin kasi masyadong gagawin don. Kahit nga tong sina Snow ay ayaw narin daw kasi di naman daw talaga sumasama  ang 4LRP sa dining hall meet up na yun.
Nagulat nga ako sa sinabi nila.
Noon nga lang daw sumali sina Dark at dahil daw sakin yun.
Oh diba?

*blaagggg*

Shit ano yon? Napatayo ako sa narinig ko. Parang galing ata sa labas.

Lumabas ako ng kwarto ko at tiningnan kung san nanggaling ang kalabog.

Binulong ko sa hangin kung saan nanggaling ang ingay kanina at tinuro ako sa kwarto ni Kim.

Teka wala naman sila ah.
May praktis pa daw sila kaya malamang wala pang tao dito. Unless...

Hinanda ko ang sarili ko at pabiglang binuksan ang pinto.

Wow.
Ang ganda naman pala ng kwarto niya. Oo nga pala kay Snow palang ang nakita ko.

 Oo nga pala kay Snow palang ang nakita ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Bongga din design ng kwarto niya. Buti di naka lock

Pano pala ko papasok kung wala naman akong permiso niya
Baka magalit pa yun.

Pero naisip ko bigla pano pala kung magnanakaw talaga yun?
Dahil sa naisip ko ay dahan dahan nakong pumasok sa loob.

Wala namang kahina hinala.
Mukha din namang walang tao.
Tatalikod na sana ko para lumabas ng bigla nalang akong nagulat.

"WAAAAHHHHHH!!!"

"Anong ginagawa mo dit0?" Tanong ni Kim na nasa pinto.

"Tangna Kim! Papatayin mo ba ko sa sakit sa puso?!" Oa na kung oa. Kakagulat kaya kung may nakatayo pala sa pinto.

"Wala kang sakit sa puso ineng. Kaya sagutin mo ang tanong ko" makataas naman ng kilay to.

"Kasi nasa kwarto ko kanina. May narinig akong ingay. Nanggaling dito sa kwarto mo. Kaya ayun, pumasok nako. Hehe pasensya na ah kung pumasok nakong walang paalam."sabi ko , nakakahiya kasi e.

"Ayus lang. Tingnan nalang natin" bah bumait na talaga tong babaeng to ah.

Pumasok na kami sa loob.
Chineck naman niya yung banyo habang pumunta naman ako sa terrace nito.

I whisper in the wind. Tinanong ko kung may tao bago ako pumasok.
Tsk. Sabi na nga ba meron e.

Hindi kayang sabihin ng kapangyarihan ko kung sino ang pumasok pero nalalaman naman nito kung mabuti ang intensyon.
At base sa ginawa ko, hindi naman ito masama.
Hmmm sino kaya yun?

The Golden Eyed Demon HuntressWhere stories live. Discover now