Chapter 53 : Aftermath

18.2K 491 5
                                    

Flora POV :

Isang nakakagulantang na balita ang sumalubong sa akin pagpasok ko ng room namin.


Una na doon ay ang paglipat pala ni Mina sa R-class.
Damn. Bat di nila sinabi sakin.

Kung diko pa nalaman sa mga kaklase namin na di na nga daw papasok si Mina samin.

Even the council didn't told anything about her transfer.
Letche lang, council din ako ah.


At ang malala pa. Break na daw sila ni Prince Gray!

How's that possible?
Eh halos kayang pumatay nong dalawa para sa isat isa eh.

Kahapon lang daw nag break ang dalawa ayon sa mga USI dito sa room.tsk





Alam niyo bang kanina pa nagdidiwang ang mga Babae dito.

Huh! Humanda sila kapag nagkabalikan ang dalawa na yon.

Sila una Kong ipapalibing Kay Mina.



Snow POV :

"Bakit sila nagbreak?"

"Baka naman nagsawa na si Prince Gray dun sa girl"

"Ambisyosa kasi yung babae eh."

"Korak ka dyan girl! She's an A-class as if naman pumapatol sa low class ang isang Prinsipe"

"Hahaha baka nakuha na ang gusto.. Alam na .."

Kanina pa ko rinding rindi sa mga to.
Sarap pagsasabunutan.

Pinipigilan lang ako ni Kim pero alam Kong kanina pa din yang nanggigigil.

Pagpasok kasi namin sa room ng S-class ay ganito na kaagad ang sumalubong sa amin.

Maagang umalis ng dorm si Mina kaya di na namin sya nakausap.

Mamaya na din sya lilipat at tutulong kami.
Baka mamaya nalang namin sya iinterogahin.

"Wala tayong magagawa Snow dahil di pa natin nakakausap si Mina" sabi ni Kim.

Tumango nalang ako.


Natapos ang buong period namin na wala naman kaming ginawang may kabuluhan. Nakakainis lang.


"Hi! Kumusta?" Si Errol pala.

Tinanguan ko lang sya. Wala ko sa mood maging friendly today.

Dineadma naman sya ni Kim. As usual. Haha

"Ang gloomy naman ng aura niyo. Napano kayo?" Usisa nito.

"Marami kasing mga tsismosa sa room na to. Ang sarap sampalin ng tsinelas ang mga bunganga!" Gigil kong sagot.

"Oh easy lang. Yung bang tungkol kina Mina at Prince Gray?" Tiningnan ko lang sya. Obvious ba?

"Hehe sabi ko nga. Kahit naman ako di makapaniwala sa mga naririnig ko e. Ok pa naman sila kahapon eh."

Yun nga din kinatataka ko. Maayos pa kaming naghiwahiwalay e.

Iniwan ko pa sina Kim at Snow sa dorm dahil may klase pako.

Pagbalik ko diko na sila nakausap dahil late na din naman.

Kelangan talaga namin ng sagot.


Ilumina POV :

Hindi ko nagugustuhan ang pinupukol sa king mga tingin ng mga nadadaanan kong estudyante.

They look at me with hatred, pity and disgust.

Some also look at me with mockery.

Ano na naman bang problema ng mga to?

The Golden Eyed Demon HuntressWhere stories live. Discover now