Chapter 65 : BlueSnow

17.8K 496 6
                                    


Someone POV :


""Ano tong nabalitaan ko na sinusundan mo daw lagi ang Ilumina na yon?" Tanong nang babae sa anak nitong lalaki.

"Ina, gusto ko po sya eh" nanghihinang amin ng binata sa kanyang ina. Panigurado kasi na di ito papayag.


"Hangal! Kaaway natin sya! Sila! Anak sya ng lalaking kinamumuhian ko! " sigaw nito sa anak niya na ngayo'y nakayuko na lamang.

"Tigilan mo yang nararamdaman mo! Walang patutunguhan yan. Malaman ko lang na lumalapit ka uli doon kakalimutan Kong anak kita!" Sabi pa nito bago umalis.

Napakuyom nalamang sa kanyang kamao ang binata.

Wala na itong magagawa sa pasya ng ina.

'Patawad Ilumina, hindi kita maipaglalaban Kay ina'







Snow POV :


Huhuhu sakit na ng katawan ko! Waaahhhh Hindi ako mamamatay sa laban eh
Sa training yata ako mamamatay.

Bwisit naman e.

"Hoy babae! Tumayo ka na dyan! Di pa daw tayo tapos" sabi ni Kim

"Anak ka ng! Sa intense na ganon di pa tayo tapos? Papatayin ba nila tayo?" Angal ko

"Kung di ka pa tatayo, malamang papatayin ka na" lumingon naman ako sa nag salita at!

Shet! Na malagkit! Nagkadikit dikit!


Ohlala gulay! Si Blue KO nandito.


Ang wafuu talaga niya!

"Huy! Gaga! Bilisan mo na dyan! " si Kim na yinuyugyog ako.

"Waahhh Kim! Kinausap niya ko!" Sabi ko sakanya

"Oo gaga! Alam namin. Humanda ka sakanila" tiningnan ko naman ang tinitingnan niya at hala!

Intense din sila makatingin ah.

Paano ba naman makatingin tong mga babaeng fake na to kala mo malalamon nila ko.


"Oh? Anong tinitingin tingin niyo?" Taray ko sakanila. With matching taas kilay pa yan ah

"Feelingera mo talaga Snow! Wag kang assuming!" Sabi ng isang frog.

Kaklase ko yan si Almira. She's telekinesis pero dipa masyadong enhance sakanya.

"Ano namang paki mo? Walang gamot sa insecure!" Bira ko naman.

Hinahawakan nako ni Kim sa braso dahil alam niya kung saan papatungo ang sagutan namin ni Almirang chaka.

"Tsk. Kapal naman ng face mo. Ambisyosa ka masyado as if naman papatulan ka ni Papa Blue" sabi pa nito.

Napatingin naman ako sa puwesto Nina Blue, nagsasanay din sila.

"Eh ano bang paki mo? Naiinggit ka ba kasi di ka niya nilapitan? Pinansin ha?" Asar ko sakanya

Alam ko namang patay na patay yan Kay Blue KO eh.
Galamay din yan ni Crizelda.

Napansin ko naman na nagsisitaasan na ang mga gamit sa court kung nasaan kami ngayon.

"Malandi ka! Akin lang sya!" Sigaw nito.

Letche! Pagod na ko at wala ko sa mood lumaban.

The Golden Eyed Demon HuntressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon