Chapter 56 : Meet Baby Luarke

20.2K 535 9
                                    

Someone POV :

"Kamahalan, nakakuha na po kami ng pangunahing ebidensya na nakapagtuturo kung saan matatagpuan ang pumaslang kay binibining Michiko." Sabi ng isang alagad ko.


Mabuti naman at may nalaman na sila. Mapaghihiganti din kita Michiko.

"Saan niyo matatagpuan?"

"Sa LightIluxia Academy po kamahalan"


Hmm, ang paaralang yon.

Matagal na ng huling nagkaroon ako ng koneksyon sa eskwelahan na yon.

At ngayon mukhang makakabisita na naman ako.



"Alamin niyo kung kelan mag kakaroon ng okasyon ang paaralan na yon.
Baka puwedi akong maging panauhing pandangal. Wahahaha"

"Kamahalan base po sa paniniktik namin nag eensayo po ang mga mag aaral ngayon dahil sa gagawing taunang tournament"



Ohh tamang tama pala.

"Alamin niyo ang eksaktong petsa at pupunta tayo" sabi ko.

Tumango ito at nagbigay galang bago umalis.

Let's see kung may ibubuga kayo.





Master Lee POV :

Nag aalala talaga ko sa batang yon.

Nabanggit na sakin ni Aki ang pinapasabi ni Yumi.
Kahit sinabi na nito na wag akong mag alala ay di pa rin ako mapanatag.




"Yushen" hinanap ko ang pinagmulan ng tinig at gayon na lamang ang gulat ko ng makita ko si God Pyro.

Nagbigay galang ako sa kanya. Alam Kong may hatid itong mensahe dahil madalas na ito ang nag aabot niyon.


"May mensahe ako galing kay Ilumina." Pagkasabi nito ay may binigay itong isang crystal.

"Kiskisin mo lang ito sa palad mo at lalabas na ang mensahe ni Ilumina. Bago ako umalis bibigyan muna kita ng maiksing babala." Nagtaka man ay nakinig nalang ako


"Sa darating na tournament may darating na di inaasahan. Mag ingat at maghanda, ang tangi lang maitutulong babala galing sa nakatataas." Yun lang at naglaho na to.

Inisip ko naman ang sinabi nito. May panganib sa tournament.


May mga demon bang makakapasok? Sana wala naman *sigh*





Queen Driana POV :


"Mahal malapit na ang tournament sa LIA" sabi ko sa asawa ko.

"Gusto mo bang pumunta?" Tanong sa akin nito.


"Hindi ko alam eh. Kinakabahan kasi ako eh" kanina ko pa kasi iniisip ang tournament na yon.

Yearly naman namin binibisita ang LIA dahil na rin sa nandoon ang anak naming si Alex.


"Paano yan? Alam mo namang taon taon tayong nandoon para sa anak natin"

"Oo nga eh. Pero alam mo din naman na never pa kong nagkamali when it comes on my instinct" katwiran ko.


"Magiging handa nalang siguro tayo ha. Saka ayaw mo bang makita na nagkakamabutihan na sila ni Prinsesa Rumina." Dahil sa sinabi nito ay napangiti na lang ako.


Kay tagal nang hinintay ng anak ko na mapansin sya ng prinsesa.

Saksi kami kung paano sya masaktan kapag magkasama sina Prince Gray at Princess Rumina.


The Golden Eyed Demon HuntressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon