Chapter 14 : Introduction

24K 738 20
                                    


3rd POV :

Habang naglalakad ang tatlo. Napapagitnaan ng dalawa si Ilumina.

Madami ang napapatingin sa kanila lalo na kay Ilumina.

"Yan yung isa sa tatlong transferee last week diba?" Tanong ng isang lalake sa kasama nito.
Base sa suot nang mga to, zone 2 ang mga lalaking naguusap usap.

"Oo pre. Sabi sayo maganda e"
"Oo nga. Puwedeng ipang laban kay Crizelda sa pagandahan lang."

"Oo nga"

"Another bitch here in LIA huh" isang clown este Babae naman ang nagsalita. Kabilang naman ito sa R-class

"Yea right. But still Crizelda parin"

" Right. Besides she looks like a weakling"

Lahat ng ito ay narinig ng tatlong dumadaan.
Kanina pa nanggigigil si Kim sa mga naririnig niya.

Natutuwa naman si Ilumina dahil nakikita niya na concern sa kanya si Kim.

Kanina pa nila pinipigilan si Kim na sumugod sa mga R-class.
Mahirap silang kalabanin kaya kahit si Snow ay pinipigilan din ang sarili.

"Huwag niyo ng pansinin" bulong ni Ilumina sa dalawa.

Ayaw na ayaw kasi ni Kim na may naririnig sya na pangit sa mga kaibigan niya.
Tinuturing na kasi niyang kaibigan si Ilumina kaya ipagtatanggol niya ito.

Ilumina POV :

Nakadating naman kami ng matiwasay sa klase ko. Inihatid kasi nila muna ko.

"A-class na to friendship. Mag iingat ka sa mga yan. Madami din kasing pasaway dyan" paalala ni Snow.

"Susunduin ka namin mamya pagka tapos niyo." Bilin naman ni Kim.

"Sige salamat. Hintayin ko na lang kayo."

Nang makaalis na sila ay dahan dahang binuksan niya ang pinto.
Magulo at maingay ang nadatnan niya.

Dahan dahan syang humakbang papasok. Hinanda niya ang sarili niya, baka kasi bigla nalang syang atakihin ng mga to.


3rd POV:

Napa hinto ang A-class sa mga ginagawa nila ng makita nila kung sino ang pumasok.

Iba iba ang naiisip ng mga estudyante.
May iba na natutuwa dahil may kaklase na silang maipagmamalaki dahil sa ganda nito.
May iba namang napapatulala dahil parang nakakita sila ng Diyosa.

Ang iba naiinis dahil mukha itong mahina.

Isa isang tiningnan ni Ilumina ang mga kaklase niya. Kasabay nito, naghanap siya ng mauupuan. Di naman puwedeng hangga mamaya sya nakatayo.

Nakakita sya ng bakante sa pinaka likod. Kaya dali dali syang pumunta doon.

Pinagmamasdan naman ng mga kaklase niya ang bawat galaw niya. Ramdam niya yon.

Naiilang man ay pilit niyang inignora ang mga tingin ng mga to.


"Ahem mukhang tahimik ang mga estudyante ko ngayon ah" isang may katandaan ng guro ang bumasag sa katahimikan ng buong klase.

"Balita ko ay may bago kayong kamag aral. Ako nga pala si Ginang Aurora Suji. Ako ang inyong magiging guro sa larangan ng palakasan" pakilala nito.

"Gusto kong tawagin ang bagong miyembro ng A-class"

Naiilang man ay tumayo na din si Ilumina at nagpakilala.

"Ahm ako nga pala si Ilumina Sanford. Isang wizard"

Pagkatapos niyang sabihin yon ay madami ang nagtaas ng kamay. Karamihan ay kalalakihan.

"Mukhang maraming interesadong magtanong sayo binibining Sanford. Wala pa nga kong sinasabi ay marami ng gustong magtanong. Maari ba?" Tanong nito.

Tumango lamang ang dalaga sa pinahayag ng guro at nagsimula na itong magtawag.

"Ginoong Black, ikaw na mauna, ano ang gusto mong itanong sa kanya?" Tanong ng guro

"M-May k-karelasyon kana b-ba?" Lakas loob na tanong nito.
Napatawa naman ang ilan dahil sa utal utal na pagtatanong nito.

"Wala pa. Pero napupusuan meron na" pahayag naman nito. Pagkasabi niya non ay isang mukha ang biglang naalala niya.

Nagprotesta naman ang mga kalalakihan habang napa irap naman ang ibang mga babae.

"Sino pang gustong magtanong?" Natatawang tanong guro. Naaaliw kasi sya sa ekspresyon ng mga estudyante niya.

"Ok lang. Napupusuan palang naman diba mga pare?" Sabi ng isang lalaking katabi ng unang nagtanong kanina.

"Tama! Tama!" Sabay Sabay na sabi ng mga ito.

"Ako gusto kong magtanong!" Sigaw ng isang babaeng may full bangs.

"Ano yon binibining Flora?" Tanong ng guro.

"Saan ka nakatira? Ibig kong sabihin San ka galing bago ka pumasok dito sa LIA?" Tanong naman nito.
Natahimik bigla ang mga estudyanteng kanina lang ay nagbabangayan.

Kinabahan naman bigla si Ilumina dahil di niya napaghandaan ang tanong nito.

Gayunman ay sumagot parin sya.

"Kasama ko ang tatay ko at sya ang nagturo sakin ng mga bagay bagay. Sa isa sa mga gubat ng Consistorium kami nakatira." Sagot niya.

"Oh sige na. Tama na ang tanong. Maupo kana Ilumina." Utos ng guro




The Golden Eyed Demon HuntressWhere stories live. Discover now