Chapter 30 : Punishment

21.5K 538 4
                                    


Snow POV :

Grabe lungsss! Musta naman po kayo?
Ako Nate tense kanina pa.
Pano ba naman katabi ko lang naman ang crush ng bayan.

Haha joki lang yun.

Katabi ko kasi si Blue alam niyo namang may pagnanasa este pagtingin ako sa kanya diba.

Andito padin kami sa office ni HM Henix. Wait pa namin yung mga pinatawag niya.

Kaso grabe nuh ganon na pala nangyayari sa pagitan ng mga nangbubully sa C-class.
Akala ko kasi simpleng pantitrip lang yung ginagawa nila.

Malalang offense na kasi pag dinadamay ang pamilya ng kahit na sinong mag aaral.
Bawal na bawal yun.

And plus bullying is also a crime here.
Yun nga lang wala kasing naglalakas loob dati na magsumbong.
Himala nalang kapag yung estudyante nakadating pa Kay HM.

Ngayon lang to nakarating. At tadah dahil yun Kay friendship ko!
I'm so proud of her. *sniff*

"Henix andito na yung mga pinatawag niyo."imporma ni Miss Loreya.

Pumasok sa loob ang dalawang estudyanteng magkaiba ng uniporme.

Isang S-class na alam kong Zone 1. Nasa Zone 2 kasi kami ni Kim.

At ang C-class na si Carissa daw.
Cute niya ah kahit may nerd glasses.

Ilumina POV :

Pagpasok nila Carissa at nung Patricia ng S-class ay napaayos naman ako ng upo.

Tumingin sakin si Isa at kiming ngumiti.
I just give her an reassuring smile.

"Ok dahil andito na ang lahat. Ipapaalam ko muna ang mga nangyayaring ito ngayon. "
Umpisa ng HM

"Si Carissa Manuel ay isang C-class na humihingi ng katarungan sa ginagawang pangbubully sa kanila ng higher class.
Si Patricia ay isang S-class Zone 1. Her power is seeing the past and future.
In short si Patricia ang magpapakita satin ng katotohanan.
Handa kana ba Miss Patricia?" Paliwanag ni Henix.

Tumango lamang ito.

Pinaglapit ng HM ang kamay ng dalawang babae at sinimulan na ang proseso.
May projector na biglang lumabas.

At doon namin nakita ang lahat. Mula sa paglalakad ni Isa papuntang building kung saan andun ang opisina ni HM.
Sa paglapit ng 3 R-class at umpisang pambubully at pangbabanta ng mga ito

Nakita din doon ang pagdating ko at pagkausap sa kanya hanggang sa paghatid ko.

Matapos ang lahat ay tiningnan lang namin si HM.
Naghihintay ng aksyon.

"Loreya, maari mo bang tawagin si Yushen dito?" Nagulat naman ako dahil sa sinabi nito.
Hindi ako makapagtanong dahil sa seryosong awrang bumabalot dito.

Hindi naman nagtagal ay dumating si Master.
Ano ba yan.
Nakakatakot naman ang aura ng mga to. Kala mo e sasabak sa giyera.

"May ginawa na naman bang kalokohan ang anak ko Henix?"tanong nito.

Pinanlakihan ko lang naman sya ng mata at tumawa lang ito.

Inirapan ko lamang ito.
"Haha wala naman. Pero may problema tayo sa tatlo mong estudyante." Oo nga noh.
Sa pagkaka alam ko kasi ay si Master na humahawak sa mga ito.

"Maari ko bang malaman kung ano ang ginawa nila at sino" sabi naman nito.

Pinaliwanag naman ni Henix ang lahat Simula sa una at huli.

Tumango tango lang si Master sa mga narinig niya.

"Kung ganon ay pinapaubaya ko na sila sainyo " Maya maya'y sabi nito

The Golden Eyed Demon HuntressWhere stories live. Discover now