Chapter 11 : Meridiem in Tenebris

27.3K 774 5
                                    

Ilumina POV:

Na meet ko na kahapon ang isa ko pang magiging ka dorm bukod kay Snow.
She's ok naman.
Tama nga si Snow, weird nga.

Makatitig kasi akala mo e nanghahamon ng away.
Hindi ko na lang sya pinapansin. Baka insecure lang kaya ganun.

Naglalakad kaming tatlo ngayon papuntang Meridiem in Tenebris.

Ito kasi ang bilihan dito sa Craeton na malapit lang sa LIA.
Maaga pa naman.

Bibili daw kasi kami ng kakailanganin namin sa school para next week.

Nasa bungad na kami ng pamilihan.

"Saan ba tayo mauuna?" Tanong ni Snow habang palinga linga ito.

"Ikaw nag aya kaya dapat alam mo" pasupladang sabi naman ni Kim.

"To naman. Meron ka na naman ba? Sungit sungit." Binulong nalang nito ang huli.
"Tumigil ka nga. Tara sa mga school supplies tayo." Nauna na itong naglakad.

Tahimik lang akong sumusunod sa kanila.
Hindi naman ako ignorante sa lugar na to dahil minsan dito ko ginagawa ang misyon ko. Ano yon? Secret

"First time mo ba dito? I mean ngayon ka palang nakapunta dito?" Tanong ni Snow Tsk. Hindi pala nila alam na marunong ako magsalita ng wika ng mga maharlika.

"Oo. Ngayon pa nga lang."
Pagsisinungaling ko.

"Alam mo ba kaya tinawag itong Meridiem in Tenebris ay dahil lumiliwanag ito sa gabi."

"Talaga? Sayang maaga pa e"
"Oo nga e. Edi sa susunod gabi na tayo pumunta para makita mo." Suhestiyon into

"Oo naman."
Malapit na kami kaya huminto na kami sa paguusap.

Makalipas lamang ang isang oras ay natapos na kami sa mga pinamili namin.

"May pupuntahan ako. Kung gusto niyo mauna, iwanan niyo nako" biglang sabi ni Kim.
"Eh may pupuntahan din ako e. Kung gusto niyo, magkanya kanya na muna tayo tapos kita kita tayo ulit sa bukana"
Sabi naman in Snow na sinang ayunan namin.

"Eh Ilumina, siguradong ka bang kaya mo? Puwede namang sumama ka sakin. Para dika maligaw" tanong nito sakin.
Medyo nabigla pa ko dahil hindi ko naman naalalang sinabi ko ang pangalan ko.

"Eh hehe.,tinanong ko si Miss Loreya kanina habang tulog ka. Kaya alam ko pangalan mo" ah yun naman pala.

"Sige ok lang ako. Kanina pa nakaalis si Kim. Alis kana din para maaga tayong magsibalik." Sabi ko naman.

Kahit nag aalanganin e sumunod naman sya.
Sa kaliwang banda ito nagtungo samantalang sa harapan lang si Kim.

Napagpasyahan ko na lang puntahan ang tindahang matagal ko ng gustong pasukin.

Lagi kasi akong nagmamadali dati.

"Bibliotheca"basa ko sa karatulang nakapaskil sa harap nito.
Kung ilalarawan ito, mukha itong sinaunang silid aklatan.

Mahilig kasi akong magbasa noon pang nasa poder pa ko ni Master.
Hayy. Naalala ko na naman sya.
I miss him. He's almost a father to me.

"Ineng, papasok ka ba?" Tanong ng matanda.
Napabalik tingin tuloy ako uli sa tindahan at sa matanda.

"Pasensya na ho. Kayo po ba may ari ng tindahan na to?" Magalang kong tanong.

"Abat. Diyaskeng bata ire. Ano? Tatayo kana lang ba dyan? Papasok ako dyan dahil may bibilhin ako. Mukha ba kong may ari ha? Tabi nga"
Abat may attitude tong matandang to ah.

Napahiya pa tuloy ako.tsk

Pumasok nako sa loob.
Nakita ko naman yung matandang namahiya sakin.
May kausap itong matanda din.

The Golden Eyed Demon HuntressWhere stories live. Discover now