Chapter 67: BabyLuarke got Jealous

17.2K 523 8
                                    

Flora POV :

Kinuwento sakin ni Snow ang nangyari sa kanila ni Prince Blue at tawa ako ng tawa.





Epic kasi nangyari sakanila.
Sayang lang dahil wala ako doon.

Nandito ako ngayon sa isang sulok ng Herbal garden para kumuha ng halamang gamot na gagamitin ko sa potion na ginagawa ko.






Sandali ko lang kasi nakasama yung dalawa sa cafeteria kanina dahil nagmamadali nga ako.

Teka! Asaan na ba kasi yon?

Naiistress na ko sa halaman na yun ah.




"Hi. Busy ka ata?" Isang Boses ang narinig ko at di ko masyadong inintindi.

"Obvious ba? " pabalang Kong sabi

"Sungit mo naman. May ibibigay lang sana ako sayo" sabi pa nito.




Kainis naman. Ang kulit ah.

"Puwedi ba Kenneth wag ngayon? Busy pa ko oh. Pag di ko to napasa ikaw sisisihin ko" pananakot ko pa dito.



"Sinong Kenneth?!" Nabigla naman ako sa sinabi nito kaya bigla akong napalingon.

Isang umuusok na ilong sa galit ang nakita ko na walang iba kung di si Prince Shawn.

Shit! Waahhh anong ginawa ko?

"Naku Prince Shawn! Sorry talaga! Akala ko yung kaklase Kong makulit. Pasensya na talaga kung nasungitan ko kayo" hinging paumanhin ko dito.




"Sino yon?" Ha? Sino daw?

"Ang alin po?" Nalilitong tanong ko

"Yung kaklase mong makulit? Ako mismo magpapatahimik sakanya" sabi nito na hindi nababawasan ang galit.




"Ah eh. Ako na hong bahala doon. Wag na kayong mag abala pa" sabi ko


"Psh. Magtatagal ka pa ba dyan?" Sabi nito


Nag aalangan ako kung anong sasabihin ko.
Gusto ko mang sabihin ang totoo na mamaya pako matatapos pero nag aalangan ako kasi syempre Prinsipe kaharap ko.

"Magtatagal ka pa nga. Tagal mo sumagot eh. Ano bang hinahanap mo?" Cool na sabi nito.



Napansin ko naman ang hawak nitong bulaklak.

Tumingin din sya sa hawak niya at napahawak ito sa batok nito.

"Para sana sayo" inabot naman nito ang kaninang hawak.



Nahiya naman ako bigla.
Bakit kasi kelangan pang may bulaklak?

Napansin niya siguro na nagtataka ako kaya nagpaliwanag ito.



"Hindi mo na ba natatandaan? Sabi ko sayo liligawan kita pagtapos ng laban noong tournament"

Napaisip naman ako sa sinabi nito.

Aish. Oo nga noh




Bigla naman akong namula ng maintindihan lahat.

Isa syang prinsipe tas liligawan niya ko.



"Seryoso ka ba talaga don? " paniniyak ko



"Oo naman! I like you agad. I don't know how I explain it basta gusto na kita agad na malabong mangyari sa ibang babaeng nameet ko na before" paliwanag nito.


The Golden Eyed Demon HuntressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon