Chapter 28: It's Raining Men

22.4K 285 20
                                    

The Glitz after pary was in full swing. Nageenjoy ang lahat sa pagsasayaw and sa overflowing drinks. 

Nakaupo si Daniel kasama ang mga kabarkada nila pero ang utak nya ay busy sa ibang bagay. So far, he had seen 9 na unidentified na lalaki na lumalapit kay Kathryn para makausap ito at batiin, pero sa opinion ni Daniel ay masyadong touchy ang mga lalaki. At isa sa mga lalaki ay si Jon Lucas. 

*Kailangan ba magkahawak yung kamay kapag nakikipagusap? Lalo na sa mga walang kwentang kausap kagaya ni Jon? Kailangan magbulungan at hawakan pa si Kath sa likod?* 

“Alam mo konting titig pa, baka matunaw mo na sya.” Biglang singit ni Khalil sa pagcoconcentrate ni Daniel. 

“What?” Nakakunot noong baling nya sa kaibigan. 

Natawa ang 6 na magkakaibigan. Ngayon lang nila nakita si Daniel na umaasta ng ganoon. Like a possessive man in love. Or more like, a jealous possessive man in love. 

The playboy has grown up. 

“Nagpunta dito yung mga tao for Kathryn, DJ. This is her night. Hindi mo masisisi yung, hmm… 7 guys na yan na mahumaling sa ganda at galing nya.” Sabi ni Khalil sabay inom ng scotch nya. 

“Alam ko. And 9 sila hindi 7.” 

“Wow. Talagang binilang mo?!” Gulat na sigaw ni Quen. 

“Eh diba ikaw yung boyfriend nya?” Nagulat si Daniel sa tanong nay un ni Jerome. 

Hindi nya alam kung bakit pero he felt uneasy at biglang hindi sya sure sa isasagot. Pero lahat sila ay nakatingin sa kanya at tila naghihintay ng sagot nya. 

“Yes.” Sagot nya dito. 

“And nakikita mo ang lahat ng lalaking yun na pinapakitang special si Kath on her momentous night by giving her flowers, gifts and showering her with compliments diba?” Tanong uli ni Jerome. 

“What’s your point?” Inis na tanong ni Daniel. 

Hindi nagpatinag si Jerome sa kasungitan ni Daniel. Napangiti sya sa nagging reaction nito sa tanong nya. 

“Meron ka dapat plano to redeem yourself.” Simpleng tugon ni Jerome. 

“He’s right.” Sabat naman ni Janella. 

“Maybe you should take her out after this. O kaya prepare something really romantic paguwi nyo. Yung may music, flowers, candles and all that!” Suggestion ni Julia B. 

“Eh Pare, may plano ka ba? Jon Lucas seems to be setting the bar high.” Sabi naman ni Quen. 

“Was that supposed to be an encouraging remark or what?!” Annoyed na sabi ni Daniel. 

“Sinasabi ko lang naman ang obvious.” Depensa ni Quen. 

Napansin nilang lahat na sobrang bad mood na si Daniel kaya minabuti na nilang manahimik na lang. 

Tumingin muli si Daniel sa direksyon ni Kathryn at nakitang nyang nag-light up ang mukha nito dahil sa binulong ni Jon. Lalo lamang syang nainis sa nakita at sinubukang ibaling ang attention nya sa ibang bagay.

This whole thing is making him look like a lousy “boyfriend”. Mukha kasing sa tingin ng ibang tao ay hindi nya kayang pasayahin ang “girlfriend” nya. 

Nang muli nyang ibinalik kay Kathryn ang attention nya ay may kasama na itong ibang lalaki. 

Guy number ten. 

After AllWhere stories live. Discover now