Chapter XLI - Motherly Side

7.3K 126 26
                                    

Trip kong mag-UD. Haha. :))

-Mia

KIM’S POV

From that very day, I was seated as the newest CEO of the hospital. Maraming nagtaka, maraming nagulat at marami nagtanong towards that sudden decision. Maraming mga haka-haka ang naglabasan na baka nagkabalikan na kami ni Xian though we haven’t declared that we got separated or what. Our relationship, considering that we are a public figure was a big mystery not only to the showbiz industry but also to the business industry.

Ilang beses sinubukan ng press hingin ang panig ko but I remained quiet and firm about my stand. Ayokong magsalita. Ayokong magbigay ng kahit anong bagay na pwede nilang pagpiyestahan. I had enough of it.

The reason why I asked for the position is first, to prove to him that he was wrong for underestimating me years ago; second, to help the company from its shaking economy and lastly to take a revenge.

“Grace. Pumasok ka rito sa opisina ko. I have something to ask.”

Agad namang pumasok ang sekretarya ko.

“Bakit ho, Ma’am?”

“Kanino galing ang mga bulaklak na ‘to?”

“Ha? Eh, hindi ko po alam Ma’am eh. May nag-deliver lang ho kaninang umaga. Ang sabi ng nag-deliver, para raw ho sa inyo.”

“Ah, ganu’n ba? Sige, the next time, ‘wag mong kakalimutang tanungin kung kanino galing. Makakalabas ka na.”

For the past few weeks, araw-araw akong nakakatanggap ng mga bulaklak. Kung iipunin kong lahat ang mga natatanggap ko, dadaigin ko pa ang isang lamay. O marahil, pagkakamalang flower shop ang opisina ko.

Hindi ko na lang pinapansin kung sino man ang nagmamagandang loob na pasayahin ako through these flowers.

I got a text from Zeke.

Good morning, beautiful. :)

It automatically put a curve on my lips. He’s thoughtful as ever. Kaya nga hindi ko maiwasang isipin na siya ang nagpapadala ng mga bulaklak. At kung siya nga, wala naman sigurong masama.

I gave him a call.

“Hey! Good morning Zeke.”

(Oh hi! Good morning Kimmy. Looks like you woke up at the right side of the bed huh.)

“Oo naman. Alam mo, life is too short para magalit ng paulit-ulit. It’s a brand new day. It’s better to wear a smile first thing in the morning.”

(Well, good to hear that from you little brat.)

“Uhmm Zeke.”

(Yes?)

“Thanks for the flowers.”

(Flowers? What do you mean?)

“Stop this nonsense. Sino pa ba ang magpapadala ng mga bulaklak na ‘to aside from you?”

(Seriously, hindi ako ang nagpadala niyan. Wala bang card?)

“Meron pero hindi naman sinabi kung galing kanina that’s why I assume na galing sa’yo.”

(Aba, may secret admirer! Nagseselos na ako ha, Ms. Chairman!)

“Sira! Oh siya sige, I’m hanging up. Bye.”

So, if hindi galing kay Zeke, kanino galing? I decided to pay attention to the reports I’m reading. It feels great na kahit papa’no, unti-unti na naming nababayaran ang mga utang. Though, medyo malaki pa ang mga liabilities, at least, nababawasan na ito.

The Meaning of Wife (KimXi Fan Fiction)Where stories live. Discover now