Chapter VII - Mélancolie

9.6K 87 7
                                    

Sorry, mabagal ang UD. Boring ‘yung last chapter ko? Ang konte kasi ng comments at votes. Pasensya na po. Medyo sad ang flow ng story. I’m trying to relay to you kung ano ang ibang side ng pagmamahal. ‘Yun bang hindi sa lahat ng panahon, okay ang takbo. Basta, sana suportahan niyo. Marami pa pong pasabog.

Thank you po! God bless.

-Mia

KIM’S POV

“Hello… Xian?” Kinapalan ko na ang mukha ko. I need to talk to him and explain the plans of my handler. Natatakot ako sa kung anumang magiging effect nito sa kanya. I’m into the busy world of show business. I’m used to whatever issues they throw on me. Pero ‘yung point na maaapektuhan si Xian because of me? I can’t let that happen.

(Oh bakit?) Walang kaemo-emosyon niyang sabi.

“Xi, alam kong alam mo na ang issue tungkol sa mga nangyari kagabi. I swear, hindi ko ginusto ‘yun. Na-misinterpret lang ‘yun ng media. I’m sorry, nadamay ka pa. I’m sorry kasi dahil sa akin, laman ka ng mga pahayagan. I know hindi ka sanay sa magulong mundo ng showbiz. Pero maniwala ka, hindi ko ginusto ‘to and one more thing. I think, it is right to let you know that…”

(Kim, pagod ako. I have no time to listen to your reckless sentiments. Please, I’m begging you please. Stop calling me. We’re over. Napag-usapan na natin ‘to ‘di ba? Maliwanag kong sabi na what happened tonight will be just a memory. ‘Wag kang mag-alala, hindi na mauulit ‘yun. Napaligaya na kita ‘di ba, ano pa bang inaarte mo?) Tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Bakit ba pakiramdam ko, pinagkakaisahan ako ng mundo, nanliliit ako sa sarili ko. Pakiramdam ko, wala akong kwenta. Pakiramdam ko, ang dumi-dumi ko. Pakiramdam ko, kaladkarin ako dahil basta ko na lang binigay ang sarili ko sa isang taong ‘di ko naman lubos na kilala. Ganu’n na lang ba talaga ang halaga ko? I never thought na ganu’n ang tingin niya sa akin, isang babaeng pang-one night stand lang.

Hindi niya ako hinayaang mag-explain at makapagsalita. Binaba niya agad ang telepono niya. Nanlumo ako dahil sa mga ikinikilos niya. Last night, he made me feel that I am loved and now, he’s giving me cold shoulders. Siguro nga, wala lang ang lahat ng nangyari for him. Pero para sa akin, big deal ‘yun. Binigay ko ang sarili ko sa kanya ng buong-buo; walang labis, walang kulang. Naiinis ako kasi nasasaktan ako kahit hindi dapat. Siguro nga, umaasa ako na tutulungan niya ako sa issues namin. Masyado ata akong nag-o-overreact. Hindi naman kasi sarili ko ang iniisip ko, siya lang naman ang iniintindi ko. Alam ko kung gaano kagulo ang mundo ko. Minsan nga, mas gusto ko na lang mamuhay ng normal.

Nang makapag-ayos ako, agad akong bumaba. Nandu’n pa rin si Ate Sandra at may kausap siya sa phone.

“Yes Ma’am. Within an hour, darating kami.” Ewan kung sino ang nasa kabilang linya. “No problem. I gotta go, Ma’am. Thank you for letting us conduct this interview” So, this is all for the interview.

“Oh, nandyan ka na pala Kim. Let’s go?” Nauna siyang lumabas. Sinundan ko lang siya.

Nandito na kami ngayon sa conference room wherein gaganapin ang presscon na hinanda ni Ate Sandra to clear the issues I’m into. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan kong i-explain sa kanila kung ano man ang mga ginagawa ko. I’m a model. Bakit ba para akong artista kung tratuhin nila? Pagpasok na pagpasok ko pa lang, binaha na ako ng flash mula sa mga camera ng mga taga-media. Part of my job ang ngumiti kahit pa sobrang lungkot ko.

Sunud-sunod na tanong ang hinain nila sa akin. Kadalasan, mga walang kwentang tanong.

“Good afternoon everyone. Alam ko pong kalat ang balita tungkol sa akin at sa lalakeng kasama ko last night. Nakakagulat nga po dahil maraming write ups ang nagsilabasan. Ang nakakainis pa, maraming nagsusulat ng hindi totoo. To clear things out, I was with Xian Lim last night.” Bating-panimula ko.

The Meaning of Wife (KimXi Fan Fiction)Where stories live. Discover now