Chapter XXIII - It Might Be You

8.6K 112 33
                                    

Hello readers. Eto may new UD ako. Basa na! Sorry kung may mga typo. Tinatamad akong mag-edit.




-Mia

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

KIM’S POV

 

For the past 4 weeks, I decided not to go home. Mas minabuti kong magkalayo muna kami nang makapag-isip siya kung ano ba talaga ang gusto niyang mangyari sa marriage namin. I still managed to attend my classes, provided na kapag nakikita ko siya, iiwas ako. The same routine happened hanggang Intramurals which was my first week away from home. Mabuti na lang at officer ako ng isang modeling organization sa school that’s why excused ako sa attendance. Hindi na halos ako pumupunta ng school. Ayaw ko kasing magkakitaan pa kami. I need some time away. Dahil kahit ako, ‘di ko na alam kung ano ba talaga ang gusto kong mangyari sa buhay ko.

On the second week, hindi pa rin ako umuuwi. Sa bahay nina Mommy at Daddy ako tumuloy. Good thing my parents were not around. I need not to explain anything. About Nanay Agnes and Tatay Bert naman, I bet they know the real score. Hindi sila nagtanong. I was pretty glad that they respected my privacy. This may sound weird but the whole 2 weeks, nag-aantay ako ng isang tawag mula kay Xian. I was expecting him to fetch me at pauwiin sa bahay namin pero ni anino niya, hindi nagpakita sa akin. I was even expecting him to greet me “Happy monthsary, Kim” pero wala. I celebrated our first month as husband and wife alone.

Third week, puro work na naman ang inatupag ko. Kaliwa’t kanang pictorials and autograph signing. May mga wardrobe fitting ding naganap. Nakakatuwa dahil kahit na nag-asawa na ako, patuloy pa rin ang pagpasok ng mga projects sa akin. Naging abala rin ako sa pagdalo sa iba’t ibang fashion events. I even went to Thailand for a product launching and superstar party concert which is done annually by Thai TV 3 together with some famous Thai stars like Urassaya Sperbund, Nadech Kugimiya, Mario Maurer, Margie Balenciaga, Boy Pakorn and etc. Masaya naman. Medyo nakalimutan ko ang mga hinaing ko sa buhay. I took my Nanay Agnes’ advice na gawing abala ang sarili. Effective ito. Nabawasan ang sama ng loob ko sa mundo.

Now, ikaapat na linggo na. Nagsimula na rin ng sembreak – my last sembreak as a college student. I’ve got bunch of things to do but I can’t find the strength to get up. May naka-schedule akong talkshow guesting about how a bachelorette turn to become a full-grown wife by 10am, at ngayon 7am na. Nakakatawa. Have I grown to become a full-grown wife? After all, hindi pa kami nakakaisang taon bilang mag-asawa. It was just a month ago when we got married pero ano na ang nangyari sa amin? I must be there by 8 dahil aayusan pa ako. Pinilit kong bumangon kahit pa nahihilo ako. Now, I’m starting to regret for being so workaholic the past few days. It was my outlet para makalimutan ko kahit panandalian lang si Xian. Pagkatapos ng work, bibisitahin ko pa si Steph sa hospital. Halos medaling araw na nga ako umuuwi.  Dahil din sa pagiging abala ko, nakakalimutan ko na halos kumain.

Matapos kong maligo, umalis agad ako. ‘Di na ako nag-abala pang kumain dahil wala rin naman akong gana. Sasama lang ang tiyan ko ‘pag pinilit ko.

The Meaning of Wife (KimXi Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon