Chapter XXVII - Tokyo Love

8.8K 110 20
                                    

Thank you po sa comments last chapter. I highly appreciate it. You made me so great. Thank you, awesome readers and gorgeous followers. I love you! \m/

I dedicate this chapter to Ms. JeanTheaGablinez. Request granted. :D

Sa mga gustong magpa-dedicate, you could always PM me. Take note: PM! Hindi po comment. Thank you.

-Mia

KIM’S POV

“Sure ka bang kaya na ng mga trabahante ‘to rito? ‘Di kaya mas mabuting ipatigil muna natin ang trabaho habang wala tayo?” Inaantay na lang namin si Tatay Bert. Papunta na kami ng airport. Just another vacation. Pupunta kami ng Japan.

“I trust Engr. De Leon. And besides, mas okay ‘to para pagdating natin, pulido na ang lahat. Mag-aayos na lang tayo ng gamit ni Baby.” Sabi ni Xian habang inilalabas sa pinto ang mga bagahe namin. “Teka, dala mo na ba ang mga passport natin? Baka may nakalimutan ka.”

“Nandito na sa bag ko kasama ng plane tickets.”

Tamang-tama lang ang dating ni Tatay Bert. “Oh, tara na. Tatay Bert is here. Sumakay ka na Kim, kami na ang maghahakot ng mga ‘to.”

“Tay Bert, bakit may kasama kayong mga body guard?”

“Ah, sila ba hija? Ipinadala sila ng manager mo raw. Nalaman kasi ng mga taga-media umano na ngayon ang alis niyo ng bansa.”

“Ha? Paano pong nangyari ‘yun?”

Imbes na si Tatay Bert ang sumagot, si Xian ang nagkumento. “Paparazzi, Kim. Parang hindi ka naman nasanay. Malamang, pagkakaguluhan tayo doon since hindi patayo nagbibigay ng pahayag tungkol sa pagdadalang tao mo.” Sagot ni Xian. So that explains why I have these three gentlemen with us. “Natawagan ako ni Ate Sandra kagabi. The media thinks that we’re running away from the issue. Walang nakakaalam na aalis tayo for vacation. Mabuti na ‘yung handa kesa naman mapa’no ka pa mamaya. So let’s go?” Tumango lang ako. Si Xian naman, nakabuntot lang sa akin.

Buong biyahe, tahimik lang ako. Excited ako na parang kinakabahan. This is going to be our first out-of-the-country trip together. At the same time, ‘di ako mapakali. Paano ba naman kasi, may pinapaayos pa sa bahay then heto kami, aalis ng bansa. Pero kaya naman na siguro ni Manang Cecile. And besides, nandyan naman ang parents ni Xian to take care of everything in behalf of us. Isa pang ikinakabahala ko ay ang mga press na nakaabang sa akin. As of now, hindi ko pa gustong magsalita. I have nothing to explain. I’m a married woman so hindi masamang mabuntis ako.

Pagpasok pa lang namin ng airport, sinalubong na agad kami ng flash ng mga camera. Eto na nga ba ang sinasabi ko. Ang dami nila. Hindi halos ma-control ng mga staff ng airport ang paglapit nila sa akin. Nakadagdag pa sa chaos ang mga chismosang dumaraan.

Halos maipit ako sa sobrang eager nilang mahingan ako ng pahayag. Si Xian, niyakap lang ako para hindi ako matamaan ng mga press na nagpupumilit na lumapit. ‘Yung tatlong body guards ko naman, pilit na hinahawi ang mga reporters.

“Ms. Kim, totoo po bang you withdrew your contract with your company?”

“Asan ho kayo pupunta? Iiwan niyo na po ba ang showbiz?”

“Totoo po bang nagbayad ng malaking halaga ang asawa niyo para malusutan niyo ang kaso at mapawalang bisa ang kontrata?”

“Mr. Xian Lim, ano po ang masasabi niyo tungkol sa issue niyong ito?”

“Ms. Kim, bakit hindi pa rin ho kayo nagsasalita?”

“Ano pong tunay na storya sa likod ng negotiation between your modeling company and your husband?”

The Meaning of Wife (KimXi Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon