Prologue

15.4K 123 10
                                    

Sabi nila, ‘pag mahal mo yung isang tao, matatanggap at matututunan mong mahalin ang lahat ng buong pagkatao nito. Mamahalin mo kung ano ang meron siya at kung ano ang wala siya. Matututunan mong punuin ang mga bagay na wala sa kanya. Tatanggapin mo kung sino at ano siya. Pero hanggang saan ang kaya mong hamakin para sa pagmamahal mo? Ano ang kaya mong isugal para lang mahalin ka ng taong mahal mo? Kaya mo bang pangatawanan kahit ang mundo niya’y hindi umiikot sa’yo?

Mamahalin mo pa rin ba siya kahit nagmumukha ka ng tanga? O, papalayain mo na lang ang sarili mo at tatanggapin ang katotohanan na kailanman ay ‘di kayo para sa isa’t isa?

Minsan, sa buhay natin, nakahain ang maraming pagpipilian pero mas pinipili pa rin natin ang isang bagay na walang kasiguraduhan.

Nakatali nga siya sa’yo, pero sapat na ba ito upang masabing siya’y pag mamay-ari mo?

Babae. Ginawa upang mahalin at galangin. Isa itong panibagong kwento kung saan mangingibabaw ang puso sa kabila ng pasakit na hatid ng pag-ibig. 

----------

THE MEANING OF WIFE  

Copyright © 2012-2013 by Mia Bacolod de la Fuente | All Rights Reserved.

The Meaning of Wife (KimXi Fan Fiction)Where stories live. Discover now