Chapter XIV - His Sweet Side

10.5K 108 16
                                    

Post-Valentine gift ko sa inyo guys. Sorry for the super duper bagal UD. Busy po kasi sa school. Jusmiyo. Haha! Oh eto, sana magustuhan niyo. ‘Di ‘to gaanong bongga gaya ng ini-exxpect niyo. ‘Di bale, at least may UD.

Basa na! :D

-Mia

KIM’S POV

I slowly walked down the aisle with my parents. Hindi ko alam kung dapat ba akong tumalon-talon sa tuwa o tumakbo palayo dahil alam kong napipilitan lang siya? Isa-isang tumulo ang mga luha ko ng ‘di ko napapansin. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Dati, siguradong-sigurado akong si Xian ang gusto kong maging groom ko, ang maging kabiyak ko, ang maging tatay ng mga anak ko. Pero bakit ganito? Parang nalilito ako.

Hinigpitan ni Mommy ang pagkakahawak sa kamay ko at sabay ngiti sa akin. “Oh, stop crying anak. Masisira ang makeup mo. Mag-ra-run ang mascara mo. Naku, ikaw rin. Papangit ka.” I nodded.

Gusto ko ‘to ‘di ba? Pero bakit parang may mali. Hindi dapat eto ang iniisip ko. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa pamilya namin kapag tumakbo ako palayo? Pero paano kapag dumating yung panahon na ayaw niya na sa akin? Paano ‘pag may nahanap siyang iba? Paano ‘pag hindi ko mapunan ang pangangailangan niya? Natatakot akong iwan niya ako.

Sa sobrang pag-iisip ko, ngayon ko lang napansing nasa harap nap ala kami ng altar. Dahan-dahang binitawan nina Mommy at Daddy ang mga kamay ko. Nagbigay galang si Xian sa kanila. Dahil du’n, napamano rin ako sa mga parents ni Xian na present din sa araw na ‘to. Totohanan na ba talaga ‘to? Natatakot akong biglang may lumabas na camera at sabay-sabay silang sisigaw ng “YARI KA!”. Naku, huwag naman sana.

Nilingon ko si Steph. Mangiyak-ngiyak ang bruha. Mukha tuloy siyang natataeng ewan dahil sa mukha niya. Oh well.  Inilahad ni Xian ang kamay niya sa akin, asking me to be with him on the seat provided for the bride and groom.

Hindi ko pa rin ma-absorb ang mga pangyayari. Panaginip ba ‘to? Kasi kung oo, sana ‘di na ako magising. I can’t believe na ikakasal ako sa taong mahal ko. He looks so happy and grateful today. Ang ganda ng aura ng mukha niya. Hindi ba’t mas hindi kapani-paniwala ‘yun?

“Kim, would you please at least pretend that you’re happy? Kanina ka pa nakasimangot diyan. Yes, I owe you an explanation. But for now, would you please give them your million-dollar smile for Pete’s sake?” Dahil sa sinabi niya, napilitan akong ngumiti when actually, ang daming bumabagabag sa isip ko.

Nang tanungin ng pari kung may tumututol ba, kinabahan ako. Baka kasi may maglakas-loob na pahintuin ang ceremony. So far, so good. Wala namang nangahas na tumutol. Hindi ko alam kung anong magiging setup namin after nitong kasalang ito. I mean, how about my career? Or studies? His basketball career? Our family business? Sumasakit ang ulo ko sa kaiisip sa mga ganyang bagay.

At nandito na kami sa part kung saan magpapalitan ng vows. Naman oh! I swear, hindi ako prepared. Eto namang si Xian, nakuha pang ngumiti. Pasimple niya akong hinila palapit sa kanya. Dinikit niya ang labi niya sa tenga ko.

“Dearest wife, please cooperate. Smile. Sinabihan na kita kanina. Bakit, hindi ka ba masaya?” kung titignan mo kami sa malayo, parang ang sweet-sweet namin. Napilitan akong ngumiti. Ayoko namang ipahiya siya o ang sarili ko mismo sa lahat ng tao. Bumitaw siya sa pagkakahawak sa akin. At sumenyas ng “Way better”. Dahil nga siguro eh, I’m wearing the sweetest lie… I mean smile.

“You don’t have to give the sweetest vow, alam ko namang dala lang ng konsensya mo ‘to, kaya may kasalang nagaganap eh.” I sincerely said to him.

He smiled and said, “No, nandito na lang man din lang, bakit hindi pa natin totohanin?”

Now it’s his turn to say his vows.

The Meaning of Wife (KimXi Fan Fiction)Where stories live. Discover now