Chapter XXXIV - Time Management

8.3K 103 36
                                    

May nakahula na ba kung sino si Mystery Girl? Haha. Based sa mga comments, wala pa. Keep guessing. I-pi-PM kita kung tama ang sagot mo.

Dedicated ang chapter na ‘to kay Ms. DeleonDenisse. Request granted. Salamat sa pagsubaybay.

-Mia

KIM’S POV

From the moment na nagising siya, hanggang sa paglapag ng eroplanong sinasakyan namin, I was pretending to be okay. Buong magdamag akong hindi nakatulog. I know that what I did was really not good for my health as well as the baby’s health. Pero anong magagawa ko? I was in deep thinking all night through. Hindi ko lubos maisip kung paano niya nagagawang maglihim sa akin. After all the things he has said, wala pa rin palang nagbago. Matapos ng mga surpresa niya sa akin, he still don’t consider me as his real wife, ‘coz if he does, he won’t do anything that would hurt me.

I’ve been playing the role of a martyr wife since God knows when. Pinanindigan ko na nga ata eh. The moment na nakatulog siya after receiving the phone call from the doctor, kumuha agad ako ng ticket pauwi rito sa Pilipinas. Alam kong isang malaking katangahan ang ginawa ko pero ‘yun lang ang paraan na naisip ko para hindi na ako makarinig ng kahit anong excuses mula sa kanya. Sa kalagayan ko, hindi makakabuti ang masaktan pa ako ng sobra. Tama na siguro ‘yung bulagin ko pansamantala ang sarili ko sa mga bagay na dapat kong makita. Naisip ko, mas mabuti ng kumbinsihin ko ang sarili ko na ako ang may gustong umuwi dahil may gagawin ako. Natatakot kasi akong marinig ang kasinungalingan niya, or worst, malaman ang katotohanan.

Nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan ng kwarto ko, I started to pretend that I’m asleep. I know that my actions have been like a cliché since last night. But I thought of it as an escape to every word that he might utter. When I made sure that he left, tuluy-tuloy ang pag-agos ng luha sa mga mata ko. Dapat ba akong makuntento dahil sa akin siya umuuwi? Sapat na ba ‘yun para makasiguro akong at the end of the day, sa akin lang siya? Iniyak ko ng iniyak lahat ng sakit na ininda ko since last night. I spared an hour for it. At ngayong nahimasmasan ako, pupunta ako kay Steph para kahit papa’no, may masumbungan ako.

“Oh, what brought you here? Hindi ba dapat, nasa bakasyon ka pa?”

“Masama bang bisitahin ka?” Dahan-dahan akong umupo sa couch ng unit niya. Medyo sumasakit kasi ang tiyan ko. Kanina pa ‘to. Tiniis ko lang dahil ayokong makaabala kay Xian. I took some pain relievers earlier pero hindi ito nakatulong.

“Bisita? Bisista  your face! Huh!” Inirapan ako ni Steph. “Sinong niloloko mo? Ako? C’mon, Kimmy. Don’t tell me, nag-away na naman kayo ng josawa mo?”

Yumuko lang ako. Hindi naman kami nag-away eh. May nalaman lang ako na hindi kanais-nais. Naiinis ako. Naiinis ako dahil sa tapang ng pagkatao ko, pagdating sa kanya, nagiging mahina ako.

“Oh ano, Kim? Teka, bakit namumutla ka? Kumain ka na ba?”

Umiling ako. “Kakagaling ko lang kasi sa biyahe.”

“Anak ng sampung kabayo naman oh. Bakit hindi ka kumain? Alam mo bang makakasama ‘yan sa’yo ng anak mo? Tara nga rito sa kusina. Buti na lang at may natirang pasta rito. Dala ‘to ni Aaron kanina. Kumain ka muna, bilis.”

Agad akong kumain. Pinipilit ko lang ilulon dahil kailangan. Pero sa totoo lang, wala akong gana.

“Steph.”

“Hmm?”

“Hanggang dito na lang ba ‘to? ‘Di na ba ‘to uusad? Bakit parang paulit-ulit na lang? Bakit lagi ko na lang naramdaman na wala akong laban. ‘Di ko na ba mababago ang isip niya towards me?”

The Meaning of Wife (KimXi Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon