Chapter XXVI - One Sweet Day

8.5K 120 38
                                    

Good vibes for everybody since hindi CeLiam ang focus ng IKA tonight. I hope magustuhan niyo ang chapter na ‘to ‘coz I noticed na last chapter, deadma kayong lahat. Haha.

I’d like to dedicate this chapter to the following people: Axshha Pacaña, Katrina Keng, Marvey Parami, Majen Codera and Kenneth Real. They’re all from Team KimXi. Request granted for KnowUs_AMEGAS.

Kung gusto niyong magpa-dedicate, i-PM niyo ako. Hindi ko po kasi nako-control if sa comment box niyo lang ilalagay. Okay? Thanks. <3

-Mia

KIM’S POV

Hindi umuwi kagabi si Mommy sa bahay. She preferred to stay with dad for a night. Kagabi rin, natawagan ko na ang parents ko about my pregnancy. They were so glad about the news and they decided to go home next week to attend the party. They insisted to contribute something. ‘Di na ako nagulat. Ganyan naman sila, bigay todo lalo na sa materyal na aspeto.

Napatingin ako sa orasan sa gilid ko. Alas sais na pala ng umaga at wala na si Xian sa tabi ko. Baka nasa baba na ito. Napahimas ako sa tiyan ko. Magmumukha ba akong tanga kapag kakausapin ko ang bata sa tiyan ko? Hindi naman siguro.

“Good morning Baby! Kapit ng mabuti kay Mommy ha. Excited na akong makita ka.” Napangiti ako sa ginawa ko. Nagmukha kasi akong tanga. Manipis pa rin ang tiyan ko. Parang hindi nga ako buntis eh. I could still wear two-piece bikini.  

Bigla akong nakaramdam ng gutom kaya minabuti kong bumaba na lang din. Tsaka gusto kong makita si Xian. Mabuti na lang at hindi ako nasusuka ngayon. I feel normal today.

‘Di pa man ako nakarating ng kusina, naamoy ko na ang pancakes. Ang sarap! Mas nagutom tuloy ako. Pero nawala ang atensyon ko sa naaamoy ko nang madaanan ko ang isang bouquet ng bulaklak. Pink tulips ito, my favorite. Abot-tenga ang ngiti ko. Pansin kong nagiging malambing si Xian lately. ‘Di ko mapigilang kiligin. Dinaig ko pa ang teenager na tinitigan ng crush.

Tinignan ko ang card.

“Sending my love and happiness.

Take care of yourself and the little angel inside you.

I wish you well…

-<3”

Tanging ‘yun lamang ang nakalagay. Siguro nga galing kay Xian ‘to.

Dumiretso na ako sa kusina. Pero wala si Xian. Nasaan kaya ‘yun? Umupo na lang ako sa silya at sinimulan ang pagkain. Gutom na gutom na kasi talaga ako. Hindi ko na kayang antayin si Xian. Naisipan kong itanong na lang kay Manang Cecile kung nasaan si Xian.

“Ah Manang. Nasaan po si Xian?”

“Hindi ko alam hija eh. Maagang umalis. May dadaanan lang daw siya. Babalik din naman daw agad.”

“Ganu’n ho ba. Salamat ho.” Nginitian ko siya. Binalik ko ang atensyon ko sa pagkain. Kailangan kong kumain ng mabuti. Baka mangayayat si Baby sa loob.

“Siya nga pala anak, congratulations. Naku, magiging ina ka na. Kamusta naman ang pakiramdam mo? May gusto ka bang kainin? Ipinagbilin kasi sa akin ni Xian na kung may gusto kang kainin eh lutuan kita. Ipinagbilin niya rin na ‘wag daw kita hayaang magpagutom.” Talaga? Sinabi ‘yun ni Xian? Lihim akong napangiti. Sana ito na nga ang simula.

“Okay lang naman po ako. Salamat ho. ‘Nga ho pala. Ang sarap ng pancakes niyo. Gusto ko ‘yung ganitong luto. ‘Yung medyo tostado ‘yung ilalim. Hehe. Bukas po, magluto kayo ulit ng ganito ha.” Oo, medyo sunog ‘yung ilalim pero ewan ko ba kung bakit nasasarapan ako. Dinamihan ko ang mantikilya at syrup. Hanep! Swak na swak sa tiyan! “Siya nga pala Manang, kanino galing ‘yung mga bulaklak sa sala? Kay Xian ho ba?”

The Meaning of Wife (KimXi Fan Fiction)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora