Chapter XXXIX - Lady In Red

8.2K 133 34
                                    

Long time no update. Finally, nakahanap din ng inspiration at tiyempo. I hope you guys would like this chapter. Hahaha. <3

 

I dedicate this chapter to TamperedHeart. Thank you sa kind words. I really appreciate it. God bless. <3

 

 

 

-Mia

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

KIM’S POV

 

“Paano na ang trabaho mo rito? Ang negosyo? Lahat ng bagay na pinundar mo, mawawala ng parang bula kapag bumalik ka ng Pilipinas. Okay na rito Kim, okay ka na rito.”

 

“No Zeke. Alam ko ang ginagawa ko. It’s time for me to play the game.”

 

“Hindi pa ba sapat na nabili mo ang mahigit sa kalahati ng shares nila? Kim, don’t be too hard on him as well as on yourself. Walang mabuting madudulot kung hahayaan mong mapuno ng galit ang puso mo. Ayoko lang na masaktan ka ulit. Ayoko lang na umiyak ka ulit. Ayoko lang na bumalik ka sa dati.”

 

Oo, ako ang nakabili ng shares. With the help of Zeke, I was able to purchase the shares without Xian knowing. All these years, nagsikap ako. I tried to stand on my own. I built my own name. I earned every single penny that I have right now. Lahat ginawa ko just to survive. All my hardships here in Europe molded me to become who I am right now.  I started from scrap. I never thought that these things would come my way. I became successful. I became powerful.

Lately, na-realize ko na I have all the capacity to make his life a living hell. I started with convincing his investors to pull out their capital. Hindi ito masyadong nagkaroon ng epekto sa kumpanya though 30% of their capital was gone. Hindi pa dito nagtatapos. This would only mark the beginning. Ibabalik ko sa kanya lahat ng sakit at pagpapahirap niya sa akin. Wala akong pakialam kung gaano katagal o kalayo ang marating namin.

“Wala nga but I don’t care. This is the only chance. It’s now or never. At isa pa, I’ll make sure that this time, I won’t be the one who’ll shed some tears.”

 

“Sa tingin mo ba, magiging masaya ka sa gagawin mo?”

 

Napatigil ako sa tanong niya. Magiging masaya nga ba ako sa gagawin ko? Would this thing satisfy my want of making him feel pain? Makakaya ko bang pahirapan ang taong minsan kong minahal? Kung ako ang tatanungin, isa lang ang sagot ko… Hindi ko alam.

The Meaning of Wife (KimXi Fan Fiction)Where stories live. Discover now