Chapter IX - Settling Down

10.2K 112 30
                                    

Dahil kilig to the bones ang episode ng IKA tonight, mag-u-UD ako! First ever POV ni Xian. Haha. Bongga no? Sige, basa na kayo. <3

 

Thank you sa mga nagti-tweet sa akin. Love you guys! <3

 

VIVA PIT SENOR! Piyesta ngayon ng Bula. Haha. Sinulog Babe!

 

 

 

 

-Mia

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

XIAN’S POV

 

A week ago, nagkita kami ni Kim. Or should I say sinundan ko siya. Nakita ko kasi siyang sumakay sa isang sasakyan nu’ng pauwi na ako. Sinundan ko ito. Huminto ang sinasakyan niyang kotse sa isang fine dining restaurant. Kasama niya ang isang lalakeng hindi ko alam kung saan ko ba una nakita. The guy looks familiar. Alam kong minsan na kaming nagkita, ‘di ko nga lang matandaan kung kalian at saan. Kumain sila. Inantay ko ang chance na makausap siya. Gustung-gusto ko siyang puntahan at hilain palayo kaso naisip ko, ano ba naman ang karapatan kong gawin ‘yun/ Aktong pumunta siya ng powder room, inabangan ko siya sa labas. Nagkabangayan kami. Ewan ko nga ba kung bakit ko siya sinundan. Oo, ilang linggo niya na akong iniiwasan. To the point na parang may krimen akong ginawa sa kanya. Kaya nagdesisyon akong i-confront siya. Kaya ayun.

Sobrang kinabahan ako ng nagsimulang tumulo ang luha niya. Wala naman talaga akong intention na saktan siya physically. Hindi ko lang talaga kasi maintindihan ang ikinikilos niya. Gabi-gabi akong binabagabag ng konsensya ko. Alam kong sobra siyang nasaktan when I stole her virginity. Hindi ko kasi alam na virgin pa siya. Dinagdagan ko pa ‘yun nang ipagtabuyan ko siya.

Ngayon ang pinakaaabang ng lahat. Ang UAAP, kalaban namin ang Adamson University. I’m with Bea. I gave her my complimentary pass last night. Too much pressure is in my head. Kailangan naming manalo. Ako ang team captain, and of course, kahit as a team kami naglalaro, nasa akin ang heavy expectations ng mga tao.

“Good luck Xi.” Hinawakan ni Bea ang kamay ko.

“Thanks, Bea.” Nginitian ko lang siya. “Pupunta na ako du’n, magsa-start na ang game.” Tumango lang siya. Nilibot ko ang mga mata ko. May hinahanap-hanap ang mga mata ko. I’m hoping na pupunta siya. ‘Pag pumunta siya, ibigsabihin, hindi na siya galit sa akin. I still feel guilty every now and then.

Nagstart na ang laro. Naging mahigpit ang agawan ng bola. Halatang pinaghandaang mabuti ng mga kalaban. At the back of my head, gusto kong manalo. Gusto kong manalo not only for myself, for the school but also for all the people who believes in my capacities. Madalas, ang kabilang grupo ang nakaka-score pero hindi ako nagsasayang ng oras. I’m doing my best to bring home the bacon.

The Meaning of Wife (KimXi Fan Fiction)Where stories live. Discover now