{ TBUP -4: It's a Deal! }

766K 16K 3.7K
                                    

{ TBUP –4: It’s a Deal! }

 

 

 

 

Ang gwapo-gwapo ni Psyche nu?! Maaygaash!” –Girl 1.

Ay oo! As in oh maaygaash! Super hot!” –Girl 2.

Seriously? Isang araw pang pumapasok ‘yang Psyche na ‘yan eh instant heartthrob na siya rito sa school. Agad-agad ‘teh? ‘Di naman ako tinatablan ng charms niya nu! Kay Chron Epiales pa rin ako!

Pero si Chron… mukhang may iba na. Bakit ganun? Bakit ang dali niyang maka-move on samantalang ako, nandito pa rin. Naiwan pa ring nagmamahal sa kanya.

Ay shet! Ang drama-drama ng umaga ko! >_________<

Makapasok na nga muna sa klase ko.

Good morning!

Pagkapasok na pagkapasok ko sa classroom eh agad akong binate ni instant heartthrob, si Psyche.

Oh good morning.” Sagot ko.

Naglakad na ako papunta sa upuan ko pero bigla niya akong inakbayan.

Ang tamlay mo ata ngayon ah.

Gagu, alisin mo kamay mo!” Tapos tinanggal ko ‘yung braso niya sa balikat ko.

Umupo na ako sa proper seat ko at napansin kong wala pa rin si Chron. Hmm? Dati naman hindi siya nali-late ah. Magsisimula na ‘yung klase pero wala pa rin siya. Ano kayang nangyari sa kanya?

Biglang nilagay ni Psyche ‘yung bag niya sa upuan ni Chron at umupo roon.

Hoy, may nakaupo na dyan kaya bumalik ka na sa dati mong upuan!” Sabi ko sa kanya.

Si Chron? Tsss, mukha atang hindi na siya papasok eh.” Tapos inayos niya ‘yung kwelyo niya.

Kahit na! Gusto mo bang mamarkahan ng absent? Bumalik ka na sa upuan mo!” Tapos tinulak ko siya.

Oo nga naman, bumalik ka na sa upuan mo.

Nagulat ako dahil biglang dumating si Chron at pinaalis si Psyche sa upuan niya. Si Psyche naman walang nagawa kundi umalis dun sa upuan.

The Break Up Planner (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon