{ TBUP -49: Paracetamol }

427K 8.1K 1.2K
                                    

{ TBUP –49: Paracetamol }

 

 

--Ericka’s Pov--

 

So nagbabalot na kame ni Madaraka (Mother) ng mga damit namin. Ngayon na kasi ang schedule ng paglipat namin ng bahay. Lilipat na kami sa mansion ng mga Zarte! Si Mama kase makikipag-PBB Teens na nang tuluyan kay Tito Sev. Magli-live in na? Psh. Eh kase, excited na raw sila sa kasal nila kahit wala pang date eh =____=

Si Mama ang bongga ng lablayp!

So ito ako, sinisilid na ‘yung mga bra’t panty sa maleta. Kailangan magkasya sa tatlong maleta ‘tong mga abubot ko nu! Mahirap na baka may maiwanan ako! Sabi kase ni Mama balak niya nang ibenta ‘tong tinitirahan namin, pati ‘yung lupa.

Habang zini-zipper ko na ‘yung maleta ko, biglang pumasok sa kwarto si Madaraka ko.

Ayus na ba ‘yan ‘nak?” Tanong nito sa akin.

Syempre naman Mama! Ako pa!” Sagot ko sabay posing ng ‘pogi sign’ :D

Handa ka na bang iwan si Raffy?”  O_______O

Raffy? Sino si Raffy? Boypren ko ba ‘yun? Ka-MU? Ex? Sino ‘yung Raffy? Nagka-amnesia ba ako’t nakalimutan ko kung sino si Raffy? At bakit ko naman siya iiwanan? Kami ba? Boypren ko ba ‘yun?

Raffy who? O.o

Sinong Raffy?” Tanong ko kay Mama.

Ito.” Sabay turo ni Mama sa bubong.

Bubong? May pangalan ang bubong? Ayy tekaaa~ ‘yung bahay! Grabiti ngayon ko lang nalaman may pangalan pala ‘yung bahay namin?! Pero bakit naman Raffy?! Lalake pala ‘yung bahay namin? Akalain mo ‘yun may kasarian! Asteeeg ah! :)))

Grabiti Mama, halos labing-pitong taon na akong nabubuhat sa mundong Earth at nakatira rito pero ngayon ko lang nalaman na may pangalan ‘yung bahay naten?

Ngayon ko lang pinangalanan. Naisip ko lang kanina.

Sa tono ng pananalita ni Mama na-realize kong malungkot siya. Oo nga makakasama niya si Tito Sev sa lilipatan namin pero ibang-iba pa rin ‘yung pakiramdam na iiwanan mo na ng tuluyan ‘yung bahay na ikaw mismo ang nagpundar. Na ultimong dugo’t pawis mo inilaan mo para lang mabili ‘to tapos iiwanan mo lang.

Medyo nakakalungkot din.

Ako, dito rin ako lumaki kay Raffy eh. Taong bahay kasi ako kaya palagi lang akong nasa loob ng bahay. Di ako nalabas kasi naiinis ako sa mga kalaro ko. Puro mga uhugin tapos ipupunas pa sa akin! Eww >_______< Kaya hindi ako nalabas nung bata ako.

The Break Up Planner (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon