{ TBUP -37: Hating Him }

411K 8.3K 1.4K
                                    

{ TBUP –37: Hating Him }

 

 

 

 

--Ericka’s Pov--

 

Well, pagkatapos kong mag-emote emote dun sa Puerto Galera eh napagpasiyahan kong umuwi na sa bahay ni future kapatid. Hehe, may naiisip kasi akong kalokohan –este, kasiyahan xD

Aasarin ko lang naman ‘tong future kafated ko, ‘yun naman ang kadalasang nilalaro ng magkapatid hindi ba? Mwhahahahaha! :)))))

So pumasok ako sa loob ng mala-palasyo nilang bahay, nadatnan ko siyang nanunood ng TV sa sala habang nakaupo sa sofa. Bakit ganun? Kahit nanunood lang siya cold pa rin ‘yung eyes niya? Pinaglihi siguro talaga sa yelo ‘to eh nu?

Tumabi ako sa kanya sa sofa, inaasahan ko eh bibigyan niya ako ng ‘cold death glare’ pero lumabas na no reaction siya! NR? Ano ako hangin? Kinalabit ko siya, napatingin siya saglit sa akin pero bumalik ulit sa panonood ng TV. Ano ba ‘yan, parang wala lang? Kinalabit ko ulit siya. Pagkatapos nun eh sa wakas! Tinignan niya na rin ako ng masama! Lels, anong nakakatuwa run ha Ericka?

Ngumiti ako ng sobrang lawak at…

Colosseus! Hihi.” Tawag ko sa kanya.

Di ba? Ayaw niyang tawagin siyang Colosseus? Oh well, tatawagin ko siya run! Ito na lang ‘yung igaganti ko sa kanya total hindi ko naman siya pwedeng bigwasan o murahin man lang. Haaay… kawawang ako :/

Tinignan niya ako ng suuuuuuuuuper sama! Yung tingin na akala mo eh ikaw ‘yung yelo tapos siya ‘yung tutunaw sa’yo? Pero syempre galit ‘yung aura niya. Nyehehehehe, maasar ka na!!

Colosseus! Colosseus! Colosseus!” Sabi ko sabay tawa ng malakas.

Naiintindihan ko naman siya kung bakit ayaw niyang patawag sa ganung pangalan eh, syempre kasi pangit at maka-luma ‘yung pangalan niya. Mwhahahahaha! Pero pramis, ang pangit talaga! Mas pangit pa sa Athena! Siguro madalas din siyang pagtawanan sa klase nila eh nu? Ang pangit kasi talaga! Sakit sa tenga! Eww~!

Inulit-ulit ko ‘yung Colosseus habang tumatawa at siya? Oh well, parang batang paslit na binu-bully at hanggang tingin lang ang magawa. Hindi makalaban kasi lampa! Lol, pero seryoso, kaya niya kaya akong sapakin? Eh kasi nga ‘di ba, ayaw niya sa akin tapos baka mamaya bigla na lang lumanding sa beautiful peslaks ko ang kanyang kamao!

Pero hehe, ang sarap niyang asarin eh! Pramis! Mukha na talaga siyang galit!

SHUT UP!” Sigaw nito.

In fairness, ang ganda ng boses ni future kafated. Buong-buo! Lalaking-lalaki! Pero errr, galit na siya. Hehehe. Congrats Ericka! Nainis mo si Prince Colosseus! Nyahahaha! –Teka, san nanggaling ‘yung Prince? Mwhahahaha!

The Break Up Planner (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon