{ TBUP -11: Devastated }

658K 14.1K 4.8K
                                    

{ TBUP –11: Devastated }

 

 

 

 

--Psyche’s Pov--

 

 

Alam mo ‘yung feeling na malaya ka? Malaya kang makakabisita, makikipag-usap at makakasama si Selene? Bakit? Kasi wala rito si Chron! *evil laugh* Buti na lang eh meron siyang National Quiz Bee Tournament sa Davao kaya kahit kailan ko gustuhin eh pwede kong makasama ang love of my life.

Hmmm, matawagan nga para mayaya ko na siyang makipag-date.

Calling Selene <3… [kita niyo, may heart pa ‘yan ha!]

Hello?” Boses ng anghel! Hutanghena! Ang sarap pakinggan!

Selene? Busy ka ba?” Tanong ko sa kanya.

Ha? *cough* H-hindi na-- *cough* naman masyado. *cough cough*” Anong meron? Bat parang tumatahol si Selene?

Okay ka lang? May ubo ka?

Oo eh. *cough* with matching high fever *cough cough* pa.” May sakit si Selene! Kailangan niya ako panigurado!

Ganun ba? Sige, hintayin mo ‘ko dyan ha?” Tapos ibinaba ko na ‘yung phone ko.

Agad akong pumunta sa drug store at bumili ng mga gamut para kay Selene. Tapos nag-drive na ako papunta sa bahay nila Selene. Augh! Nandyan na ako Selene my love!

Kumatok ako sa pinto nila tapos pumasok na ako. Alam ko namang wala siyang kasama rito sa malaking bahay nila eh. Palaging wala ‘yung mga parents niya, parang si Athe—Erica lang. Teka, bat nasama rito ‘yung babaeng ‘yun?

Pagkapasok ko, nakita ko kaagad si Selene na balot na balot ng kumot sa sofa. Hala! Bakit nasa sofa ang mahal ko? Naku! Pinapabayaan talaga nila si Selene.

Hinawi ko ‘yung buhok niya at nakapa ko ‘yung noo niya na sobrang taas ng lagnat, “Selene! Ang taas ng lagnat mo!” Sabi ko sa kanya.

Iminulat niya ang mga mata niya, “Augh. *cough* Psyche… bakit ka *cough* nandito?” Ang tamlay niya at ang putla ng complexion niya. Nakakaawa naman ‘tong mahal ko.

Shh. Magpahinga ka na dyan, aalagaan kita.” Tapos hinalikan ko siya sa noo at binuhat ko siya papunta sa kwarto niya. Kawawa naman siya kung hahayaan ko siya run sa sofa!

The Break Up Planner (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon