{ TBUP -72: Zico the Second }

388K 7.3K 3.8K
                                    

{ TBUP –72: Zico the Second }

 

 

 

--Selene’s Pov--

 

Eksaktong alas otso ng umaga nang makarating ako sa airport para sunduin ang bestfriend ko. Naghintay ako ng tatlumpong minuto para sa pagdating ng eroplanong sinasakyan niya at hindi nga ako nabigo dahil pagkalapag na pagkalapag ng eroplanong iyon ay nasilayan ko siya at ang napaka-cute kong inaanak.

Nang magkita kami ng aking pinakamatalik na kaibigan ay agad ko siyang niyapos ng mahigpit na para bang wala ng bukas. Siya lang. Siya lang ang nakakaintindi sa akin kumpara sa kahit kanino pa man. Siya, ang bestfriend ko simula pa lang nung ipinanganak ako sa Japan hanggang sa magbalik ako roon.

Kamusta ka na? Akala ko hindi ka talaga uuwi eh.” Sabi ko sa kanya habang yakap-yakap ko pa rin siya.

Matitiis ba naman kita? Atyaka… ‘yung sinabi mo—

Sa café na lang tayo mag-usap ‘nu ka ba!

At ayun nga. Pumunta kami sa isang mamahaling café at um-order ng maiinom. Kandong niya ang inaanak ko habang namimili ng makakain.

Ang laki na niya, ano?” Sabi ko sa kanya habang nakatingin sa inaanak ko.

Oo nga e. Ang bilis ng panahon.” Sabi naman ni Yanna sa akin.

Oo, si Yanna. Si Yanna Marie Cervantez ang bestfriend ko. Ang nakakaintindi sa akin mahigit sa kahit sino pa man. Ang dumadamay sa akin sa lahat ng pagkakataon, masaya man o malungkot. Ang pinagsasabihan ko ng mga problema ko. Ang napagbabalingan ko ng sama ng loob. Ang bestfriend ko na handa akong saluhin kahit ilang beses akong mahulog o madapa.

Ano? Handa ka na bang humarap sa kanya?” Tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya at sumagot, “Noon pa ako handa Selene. Ayaw lang talaga akong payagan ni Mommy.

Oo nga pala. Paano mo napapayag si Tita?” Tanong ko muli sa kanya.

Tumakas lang ako. Tyaka sinabi kong nasa Japan ka pa, sigurado ako iisipin nun sa’yo ako nakituloy.

Ilang sandali pa ay binuhat ng inaanak ko ang bote ng gatas niya at uminom doon. Hindi ko talaga mapigilang hindi mapamahal sa batang ito. Bukod sa pagiging cute ay magalang din siya at hindi gaanong pasaway. Hindi nga niya binigyan ng sakit ng ulo ang nanay niya eh. Iniisip ko tuloy kung kanino ba nagmana ang bata. Kung sa ina ba o… sa ama.

The Break Up Planner (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon