{ TBUP -16: Storage Room }

630K 13.5K 4.5K
                                    

{ TBUP –16: Storage Room }

 

 

 

 

Ang tagal matapos nitong Chemistry Class namin! Di na ako makapaghintay sa plan ni Psyche eh! Wushu! Ako na eksayted! Eh kasi naiisip ko, ngayon mas madali nang babalik sa akin si Chron kasi wala na ‘yung mukhang anghel na si Selene. Kaya party party na!

Okay, class dismiss.” –Ma’am Chemistry.

YES!

Humarap ako kaagad sa likod ko kung saan nakaupo si Psyche. Ngumiti ako ng malawak sa kanya kasi nangako siyang tutulungan niya ako pagkatapos ng Chem class namin eh. Bakante kasi namin.

Uyyy, Psyche! Ano na?!” Masigla at excited kong tanong sa kanya.

Maghintay ka lang kasi.” Sabi niya sa akin sabay irap.

Anla! Anong meron dito? Nagme-menopause? Bat ang tahimik niya at mukhang bored? Ang sungit pa! Naku! Akala ko ba bati na kami? Ano ‘tong inaasal nitong Psychotic na ‘to?

Tatayo na sana ako upang kulitin si Psyche pero naalala kong katabi ko pala si Chron. Kaya Maria Clara mode muna mga dre! Mahinhin epek para hindi ma-turn off.

Engk! Ngayon ko pa naisip eh break na kami! But don’t worry! Babalik din siya sa akin pagkatapos nitong planong ‘to :D

May pumasok na teacher na lalake, “May I borrow some students who can put these papers in the storage room?

Nagsitayuan naman ‘yung mga ibang kaklase ko tapos tumayo si Psyche. Hinila niya si Chron?

Teka, bakit?” Nagtatakang tanong ni Chron.

Magdadala tayo ng mga papel. Huwag kang maiwan dito.” Psyche replied in a cold tone. Nagmamaasim talaga si Psyche.

Tapos tumayo na si Chron at ngumiti sa akin. Binitawan ni  Psyche ‘yung kamay ng kapatid niya at naunang lumabas. Si Chron naman lumingon sa akin.

Athena, huwag mo na akong iiyakan ulit ha?” Tanong niya sa akin tapos tumalikod na siya at lumabas ng room.

Hindi lang niya hinintay ang sagot ko? Atyaka bakit niya sinabi ‘yun? Papaiyakin niya ba ako? Sa tuwa? Mwhahaha! Magiging kami naman na ulit ‘di ba?

The Break Up Planner (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon