{ TBUP -5: I saw her }

737K 14.9K 4.3K
                                    

{ TBUP –5: I saw her }

 

 

 

 

Ay grabe! Late na ako! I should run! Effin run!! Pucha naman eh! Kung bakit kasi nakalimutan kong i-alarm ‘yung cellphone ko! Buti na lang nag-almusal ako at may energy akong tumakbo ngayon.

Nasa tapat na ako ng building namin ng may makita akong nagkakagulo run sa stage. Nagsusuntukan. Ano kayang meron?

Dahil sa kakatingin ko run sa stage eh hindi ko napansin ang isang babae at nabangga ko siya.

Gomenasai.” Sambit nung babae sabay yuko. Haponesa ba? Bat mukhang Koreana?

Ah sorry din.

Tapos pumasok na ako run sa building namin. Hingal na hingal ako kaya medyo bumagal ‘yung takbo ko at naging lakad na lang. Nasa kalagitnaan na ako ng hallway nang may marinig akong boses.

Boses ni Chron.

Oh Selene, okay ka lang? Anong nangyari?” Tanong niya run sa babaeng nakabangga ko.

Shit! I just met his girlfriend!

Hindi ako pwedeng magkamali, Selene daw eh! Selene Kai! Pero bakit naman nandito ‘yang impaktang ‘yan? Bakit niya kasama si Chron eh class hours ngayon? Nag-cutting ba silang dalawa?

Aww. Bakit parang sumisikip ‘yung dibdib ko? Bakit parang hindi ako makahinga? Bakit parang sinasakal ‘yung puso ko? At geeez! Umagang-umaga, tumutulo ‘yung luha ko?

Lumingon ako sa kanila, at ‘yun. Nagtatawanan sila. Ang sweet-sweet nila. Bakit ang sakit-sakit? Bakit sa lahat na nga lang ng lugar na pwede silang mag-date eh dito pa sa school na ito? Kung saan pa makikita ko silang dalawa!

Pumasok ako sa room namin. Nadatnan ko ‘yung mga kaklase kong nagchi-chismisan at kung ano-ano pang ginagawang kaguluhan. Dun ko napagtanto na wala pala kaming klase ngayon dahil free-cut namin.

Bullshit lang! Nagmadali pa ako wala rin pala akong mapapala! Bakit ba ang malas ko ngayon?! Bakit?!!

Nakita mo sila?” Tanong sa akin ni Psyche na bigla na lang sumulpot mula sa kung saan.

Bakit ba sila nandito?” Naiiritang tanong ko.

PDA siguro.” Tapos nag-smirk na lang siya.

The Break Up Planner (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon