{ TBUP -9: This Day is Epic }

686K 14.4K 2.9K
                                    

{ TBUP –9: This Day is Epic }

 

 

 

 

Kanina pa ako hinihila ni Psyche papuntang gate ng school. Ano bang tinira nito kagabi? Drugs? Marijuana? Ecstacy? Oh sadyang nakalanghap lang siya ng usok galing sa tambutso? Eh bakit kasi ganito siya makahawak sa kamay ko! Ang higpit-higpit! Tyaka kanina, hinalikan niya ako sa labi!

Oh shet! Ngayon lang nag-register sa utak ko ‘yun ah! Hinalikan niya ako sa… lips? O________O

Hutanghena! Ano reaksyon ni Chron?! Tekaaa! Babalik ako sa booth! Di ko nakita eh! Takte! >.<

Pwede bang bitawan mo ‘ko?!” Sigaw ko kay Psyche.  Hindi niya ginawa ‘yung sinabi ko, sa halip eh mas hinigpitan pa niya ‘yung hawak niya sa akin. “ARAY! Sinabi nang bitawan mo ‘ko eh!” Tapos hinila ko ‘yung kamay ko. “Ano bang problema mo?!

Tangna naman kasi ‘yang bestfriend mo! Ubod ng katangahan! Nang dahil sa kanya bulilyaso ulit ‘tong Plan B na ‘to! Nung nagpaulan ata ang Diyos ng katangahan eh feel na feel niyang lumabas!” Nanggagalaiting pahayag ni Psyche habang nanlilisik ang mga mata.

Nainis at nainsulto ako sa sinabi niya, syempre bestfriend ko si Carmeen! Kaya para maiganti ang bestfriend ko, sinampal ko ng full force si Psyche! Laitin niya nang lahat! Wag lang ang bestfriend ko!

Wala kang karapatang sabihan ng ganun ang bestfriend ko! Wala siyang alam sa deal na ‘to kaya pwede ba, itikom mo ‘yang bibig mo at huwag mo siyang sisihin!” Sigaw ko kay Psyche.

Hinimas-himas ni Psyche ‘yung pisngi niyang sinampal ko, “Tsss! Nakakainis kayong dalawa! Pareho kayong pathetic at useless!

Sinampal ko ulit siya, “Eh gago ka pala eh! Ikaw nga ang nag-offer sa akin ng deal na ‘to eh! Kung ikaw kaya kumilos para makuha ‘yang Selene mo?! Ang bitter mong lalake ka! Pucha!

Kung makapagsalita ka parang hindi ka rin bitter ah?! Tyaka sinong nagsabing hindi ako kumikilos?! Nagkataon lang talaga na tanga ‘yang bestfriend mo!

 “Wag mo sabing sinasabihan ng tanga ang bestfriend ko eh!” Sinuntok ko naman siya ngayon! Namumuro na eh!

Shit! Athena! Aray!” Aba?! Mapapel ‘tong gagong ‘to ah! Tawagin ba naman akong Athena!

Hoy! Wag mo nga akong matawag-tawag ng Athena! Di ka ganun ka-importante sa akin para tawagin mo ‘ko sa pangalan kong iyon!” Sabi ko sa kanya.

Yeah! Whatever. Nakakainis ka!” Ang bakla niya =__________=

The Break Up Planner (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon