{ TBUP -40: Icy Ego }

378K 7.9K 833
                                    

{ TBUP –40: Icy Ego }

 

 

 

 

 

--Ericka’s Pov--

 

Nagpaalam sina Tito Sev at Mama sa amin na aalis daw sila papuntang Canada. Isasama raw ni Tito Sev si Mama sa isang business trip. Magsasara lang daw ng ilang deals si Tito Sev para wala nang sagabal sa preparasyon nang kasal nila.

Kaya eto ako ngayon, naiwan na naman kasama ang future kapatid ko na kung makatingin ng masama at malamig eh wagas!

Ano na naman kayang kawalanghiyaang dadanasin ko sa kanya? Aish!

Nagising kasi ako na masakit ‘yung ulo ko. Medyo inuubo at sinisipon din. Nahamugan ata ako kagabi eh. Ang tagal ko kasing naglakad-lakad sa tabing dagat kagabi. Siguro nga nahamugan ako. Ang bigat-bigat ng ulo ko tapos ang sakit-sakit pa. Uminom na ako ng gamot pero still, medyo nahihilo pa rin ako. Damn much!

Lumabas ako ng kwarto namin para uminom ng tubig, unfortunately eh nakita ko na naman ‘yung pyutyur kafated ko habang naka-cross arms at nanunood ng TV. Parang wala lang. Muntanga pa rin =____=

Dumiretso ako sa kitchen at uminom ng tubig. Paakyat na sana ulit ako nang kwarto ko para matulog ulit nang tawagin ako ni cold eyed bastard. So no choice ako kundi tumingin sa kanya.

Oh ano?” Naiirita kong tanong.

Maglinis ka na.” Sambit nito habang nakatingin pa rin sa TV.

ANO?!” Bulalas ko.

Napatingin siya sa akin ng masama, “You deaf?

Napairap na lang ako sa kanya. At kahit ang sakit-sakit ng ulo ko. Kahit ang sakit-sakit ng buong katawan ko eh minabuti ko na lang kumuha ng panglinis at linisin ang bahay. Kesa naman sa mag-away pa kami ‘di ba? Wala pa naman ako sa mood makipag-away. Nakakainis ang sakit ng ulo ko, nahihilo pa ako! Taeness >.<

--Zico’s Pov--

 

Bat parang ang putla niya? Ang kupad niya ring kumilos. Damn, ang ganda niyang batuhin ng basahan eh!

Narinig ko rin ang pag-ubo niya. Tsss, may sakit ba siya? Or nagsasakit-sakitan lang? Akala niya siguro madadala ako sa mga ginagawa niyang kaartehan. Pero sorry siya, she can’t fool me.

Bilisan mo.” Utos ko sa kanya.

The Break Up Planner (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon