{ TBUP -29: January, Please be Good to me }

555K 9K 1.5K
                                    

{ TBUP –29: January, Please be Good to me }

 

 

 

 

--Ericka’s Pov--

 

Wow, ang bilis ng panahon. Akalain niyo ‘yun? January na? Dalawang buwan na lang makaka-graduate na kami sa high school.

At akalain mo ‘yun? Limang buwan na kami ni Psyche? Hindi ko rin inaakalang magtatagal kami eh. Kasi naman… ang dami niyang fangirls! Akala ko nga dati wala kasi wala naman akong nakikitang sumusunod sa kanya kaso maling-mali ako! Ang dami nila. Yung iba, boto sa akin pero karamihan? Kulang na lang sipain ako papuntang planetang Neptune!

Pero asa silang lahat! Ako ang gerlpren! Ako ang may karapatan sa kanya! Magmula sa ulo niya hanggang sa kuko niya sa paa! Sa puso, utak, balun-balunan, atay, large and small intestine, esopaghus, pancreas, kidney etcetera! Sa akin lang si Psyche, AKIN!

Nandito nga pala kami ng gaga kong bespren sa canteen. Oh well, saan pa ba kami tatambay sa tuwing walang klase? Syempre, dito! Patay gutom eh, pagpasensyahan :3

Bespren, alam mo ‘yung dalawang nakapila run sa cashier, hindi na aabot ng March ‘yan! Bago pa mag-graduation break na ‘yang dalawang ‘yan! Siguro… mga second week of February!” Bulalas ko habang nakatingin doon sa dalawang taong nakatayo at naghaharutan kahit nagbabayad sila ng pagkain nila =_____=

Hindi papaabutin ng prom? Saklap ah!” Sabi naman ni Carmeen.

Tsss… obvious na obvious namang hindi seryoso ‘yung lalake. Kasi kung seryoso ‘yan, siya ang magbabayad nung pagkain ni girlash! Tignan mo nga oh, pinagbabayad nung gago ‘yung babae!

Kumunot ang noo ni best at tinignang maigi ‘yung couple na hinuhulaan namin ng break-up. Sinusuri niya siguro kung talagang si girlash ang nagbabayad. Eh siya naman talaga eh! Taena naman ‘yung lalake! Hindi gentleman! La kwenta! Sarap bigwasan!

Buti pa si Psyche! Si Psyche, si Psyche na mahal na mahal ng diwa ko! xD

Ay oo nga nu. Langyang lalake ‘yan. Walang kwenta.” Sabi ni Best.

Tumingin ako sa katabing table namin, “Ayy eto gagita, sa Sabado wala na ‘to! Nagkakalabuan na eh!

Napatingin ‘yung couple sa amin ng masama –ay sa akin lang pala. Okay lang naman kahit marinig nila, so what? Ang dami ko nang hinulaan na talagang pinupuntahan ko pa kung nasaan man sila. Wala lang, kumbaga sa weather forcaster ako ‘yung tagapagbalita kung kailan hahagupit ang bagyong nagngangalang ‘break-up’ sa relasyon nila.

Tinapik ako sa braso ni Carmeen, “Gaga! Tinitignan ka ng masama! Tunggak ka talaga, katabi lang natin ‘yan oh!” Bulong nito sa akin.

The Break Up Planner (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon