{ TBUP -66: Next Month }

428K 7.9K 1.7K
                                    

{ TBUP –66: Next Month }

 

 

 

--Ericka’s Pov--

 

2 weeks. 2 weeks na kaming naglalandian –este M.U ni Colosseus :””> Shet lungs dahil araw-araw akong kinikilig sa kanya! Punyeta naman kasi, kung hindi lang talaga kami magiging magkapatid baka tinalbugan pa namin sa kaharutan sina Mama at Tito Sev. Speaking of, andito kaya sila ngayon. Actually, kumakain kami ngayon ng breakfast. Pero alam niyo ba kung anong mas nakakabusog? Ano pa ba eh ‘di ‘yung fact na katabi ko si Colosseus at magka-holding hands kami sa ilalim ng table! Oo alam kong mahirap kumain ng isa lang ang kamay pero… shet masisisi niyo ba kami? Ang lambot ng kamay niya eh :””>

Anak, ‘di mo ba gagamitin tinidor mo?” Tanong ni Mama. Hala! Nahalata nang hindi ko ginagamit ‘yung isang kamay ko!!

Uhmmm, ano, wala lang! Mas trip ko pong gumamit ng kutsara. Kanin naman ‘to e.” Palusot ko.

Tapos nagtinginan kami ni Colosseus. Tapos ngumiti siya ng bonggang-bongga. Shet ang pogi ng boypren ko! –Este, hindi pa pala kami, M.U lang. Haaaay, sana maging official na kami. Sana masabi na namin kina Mama at Tito Sev na mahal namin ang isa’t isa. Syempre, sana hindi sila masaktan. Humahanap pa kasi kami ng tamang tyempo e, ‘yung tamang tyempo na kung saan kayang-kaya na naming sabihin ‘yung totoo, hindi pa namin alam kung kailan pero sasabihin talaga namin. Pramis!

Ikaw Zico, bakit ba nandyan ‘yung isang kamay mo? Ayaw mo rin bang gumamit ng tinidor?” Tanong naman ni Tito Sev kay Colosseus.

Mwhahahaha! Shet, pinipisil ni Colosseus ‘yung kamay ko. Tengene kinikilig aketch! :””>

Augh, yes Dad. For a change?” Patanong na sagot ni Colosseus.

Ang cute naman ni Colosseus magpalusot! Parang bata! Mwhahaha! Ang cute cute talaga!  Tengene, wala akong nakikitang dahilan para hindi ko siya mahalin.

Uhmmm, mabuti naman at hindi na kayo nag-aaway ngayon.” Komento ni Tito Sev sa aming dalawa.

Napatingin naman sa akin si Colosseus tapos nangiti ulit, fvck ang pogi talaga! Hahaha! Kung alam niyo lang Tito Sev! Kung alam niyo lang talaga na nagmamahalan na po kami kaya ‘di na kami nag-aaway. Lels :””>

Oo nga mga anak! Jusme, nakatulong din pala ang pang-iiwan namin sa inyo kasi nakapag-bonding kayo ng bonggang-bongga!” Sabi ni Mama.

The Break Up Planner (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon