{ TBUP -63: I hate you! }

424K 9.5K 9.3K
                                    

{ TBUP –63: I hate you! }

 

 

 

--Ericka’s Pov--

 

Haaay! As usual, ano na naman bang ikwe-kwento ko sa inyo? Syempre, ano pa ba! Eh ‘di ‘yung lintek kong pyutyur kafated na kung magpakilig eh wagas! Ano baaaaaaa~! Feeling ko nagiging abnoy na ako.

Sabihin niyo nga –ako ba eh naiinlab na sa magiging kapatid ko?

Pucha, hindi naman pwede ‘yun ‘di ba?! Magiging kapatid ko na eh!! Kaya no, no, no way! Tyaka baka pinagtri-tripan lang ako, alam niyo ‘yun? Trolling in the deep? Tyaka baka tactics nga lang? Aish! Parang mas gusto ko tuloy isipin na tactics lang talaga, kasi hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko kapag nagkainlaban na. Tangina lang, sana hindi!

Papasok na nga lang ako. Ay teka, sasabay pala ako sa pyutyur kafated ko. Sabi niya eh. Tyaka ayoko na mag-commute! Langya nahihirapan na nga ako, nale-late pa ako! Hassle talaga! >______<

So ayun, no choice. Kasama ulit si pyutyur kafated. Ang pyutyur kafated na all around. Pwedeng maging kuya, driver at boypren xD Punyeta, never mind na lang ‘yung last na sinabi ko. Pasensya, nadala lang ng kalandian :3

Athena.” Tawag sa akin ni pyutyur kafated =______=

Kay kulit ng lahi ni koya mga ‘teh! Ilang beses ko na bang sinabing ayaw na ayaw kong tinatawag na Athena?!

Ang kulit mo rin eh ‘nu?! Huwag sabing Athena eh! Bangasan kita eh!” Saway ko sa kanya.

Pero hindi rin niya pinansin ‘yung sinabi ko. Inasar lang niya ako ng inasar ng Athena. Talagang mula nung umalis kami ng bahay hanggang sa makarating kami ng East Velvet eh puro ‘Athena’ ang lumalabas sa bibig niya. Buong byahe, puro Athena! Punyeta naman eh! Nakakainis! Ayaw na ayaw ko pa naman ng pangalan na ‘yun!

Pero bakit ngayon? Bakit parang nababaliw ako sa tuwing binibigkas niya ‘yung pangalang Athena?

Bakit parang… lumulukso ‘yung puso ko sa tuwa?

Aish! Shatap! Putanginang pangalan ‘yan! Wala! Naiinis pa rin ako! Yun ang totoo!

Aish! I hate you!” Sabi ko sa kanya bago lumabas ng kotse.

Bigla siyang napangisi at tumingin sa akin, “Bakit, sinabi ko NA bang ‘I love you’?

The Break Up Planner (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon