{ TBUP -2: That Effin' Day }

847K 20.1K 8.4K
                                    

{ TBUP –2: That Effin’ Day }

 

Supposed to be may graded recitation kami ngayon sa Trigonometry, sa kabutihang palad eh na-postpone. May meeting daw kasi ang mga teachers. Buti na lang! Kung natuloy ‘yun? Baka wala na akong kaluluwa ngayon! Tinakasan na ‘ko dahil sa sobrang nerbyos.

Ayoko kasi ng Math. As in ayaw na ayaw na ayaw ko to the infinite power! >________<

Kaya ngayon, nakatunganga na lang kami rito. Buti nga walang teacher at nakakalipat ako ng upuan eh. Duh? Alangan naman na mag-stay ako run sa original seating position ko eh ‘di naging bato ako run dahil sa katabi ko ‘yung ex ko?!

Ano kayang gagawin ko rito? Ang boring-boring oh! Si best naman kanina pa basa ng basa ng libro! Buti sana kung may natututunan siya dyan eh puro love story naman. Haaays!

Best!” Sabi ko sabay kalabit kay Best.

Oh? Problema mo? Istorbo ka ah =,=” Sabay irap ni Best sa akin at bumalik na ulit siya sa pagbabasa ng libro.

Kinalabit ko ulit siya. “Eh best… cutting tayo!

Agad niyang ibinaba ‘yung libro niya. “Ano?!

Ay bingi lang? Eh kasi nabo-boring ako rito. Sige na! Please?” Tapos nag-pouty lips ako.

Ano ako lalake? Hindi ako madadala ng pouty lips mo Ericka.” Ang sungit ni Best! May dalaw ba siya ngayon?

Ang sungit-sungit mo Best. Di mo na ako mahal!” Tapos umiwas ako ng tingin na animo’y nagtatampo.

Tsss. Whatever Ericka! Sige na sige na, magcu-cutting na tayo.” Sabi ni Best na halatang labag sa loob niya ang pagpayag sa kagustuhan ko. Mwhahaha!

Tara na!” Tapos tumayo na ako at kinuha ang bag ko.

Biglang may humila ng bag ko at pagtingin ko eh ‘yung gago kong ex lang pala na nakaupo sa original sitting position niya. Hinila ko ‘yung bag ko papunta sa akin pero mas malakas siyang humila.

Ano na naman?!” Pagalit na tanong ko sa kanya.

Kahit gustong-gusto ko siyang makausap kailangan hindi ako magpahalata na gusto ko pa rin siya. Baka isipin niyang naghahabol ako sa kanya? No way!

Nakakunot ‘yung noo niya. “Magcu-cutting ka?” Tanong niya sa akin.

Paki mo?” Pagsusungit ko sa kanya.

The Break Up Planner (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon