{ TBUP -46: Feeling Superman? }

397K 7.8K 486
                                    

{ TBUP –46: Feeling Superman? }

                                                   

 

 

--Ericka’s Pov--

 

So pagkatapos naming mag-lakwatsya ni Carmeen eh dumiretso na ako sa bahay. Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto eh nakita ko kaagad si Mama na nakasimangot habang nakaupo sa sofa.

Ah alam ko na.

Lumapit ako sa kanya, umupo ako sa tabi niya at sinimulan siyang kausapin.

Mama, ang pangit ng lipstick mo.” Komento ko sa kanya.

Ganun ba.” Walang buhay na sagot ni Mama.

Usually kapag pinapansin ko ‘yung make-up niya eh tatakbo agad siya sa kwarto niya at titignan sa salamin ‘yung mukha niya. Maalaga kasi talaga si Mama pagdating sa mukha’t katawan niya. Sexy nga siya eh, para ngang mas sexy pa siya sa akin =______=

Miss mo na siya, Ma?” Tanong ko kay Mama.

Alam ko naman kasing miss na niya si Tito Sev eh. Kahit buong gabi or araw silang magkatext at nagtatawagan at kung minsan eh nagkikita sa webcam eh halata pa rin sa mukha ni Mama na miss na niya si Tito Sev. Grabe, inlab na inlab ang Mudra ko. Buti pa talaga siya, may lablayp!

Sumimangot si Mama tapos, “Gusto kong bumalik ng Mindoro eh. Anak, miss na miss ko na talaga siya!” Pag-aalboroto ni Mama.

Para nga siyang kinder na hindi nabilhan ng doll eh. Ang cute ni Mama mag-pout :3

Okay lang ‘yan Ma, andito naman ako eh!” Tyaka ko siya niyakap.

Eh gusto ko si Sevy eh~!” Whuut? O_______O ‘Sevy’? Korni ni Mama =_____=

Tss! Mama! Andito naman ako ah! Nagseselos na ako!

Haaay~” Buntong hininga ni Mama.

Nanuod na lang kami ng TV ni Mama. Maggagabi na kasi at pareho pa kaming hindi makatulog. Si Mama, kasi miss niya na nga si Tito Sev at ako—Oo nga, bakit hindi ako makatulog? Ah, oo nga pala –iniisip ko kasi ‘yung si Zico tapos ‘yung naging gerlpren niya. Ano kayang nangyari sa kanila?

Hindi naman ako naging ka-ganito ka-chismosa, pero err~ nakaka-curious kasi. Ewan, parang ang ganda lang malaman. Haaay….

The Break Up Planner (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon