{ TBUP -23: He is Mr. Invincible }

576K 10.4K 1.2K
                                    

{ TBUP –23: He is Mr. Invincible }

 

 

 

--Scarlet’s Pov--

 

Wala na namang klase, faculty meeting na naman kasi. Palagi na lang may meeting pero wala namang nangyayaring maganda sa school. Tsk tsk… ano bang klaseng school ‘to? Close to ‘walang kwenta’. Kapag nagawa ko na talaga ‘yung plano ko, pramis! Lilipat na ako ng school! Babalik na ako sa ZHS. Amp!

Speaking of plano, alam niyo naman na ‘yung plano ko ‘di ba? Ise-seduce ko lang naman si Chron. Na-challenge lang talaga ako sa kanya. Akalain niyo ba naman?! Hindi tinablan ng ganda ko? What the hell! Kaya sisiguraduhin kong mahe-head over heels sa akin ‘yung lalakeng ‘yun.

Speaking of Chron, ayun siya oh. Nakaupo sa proper seat niya habang hawak ‘yung cellphone niya at animo’y may tinatawagan. Yung ex niya na naman siguro na iniwan siya –iniwan na nga siya, hindi pa nagpaparamdam. Naku! Pustahan tayo may iba na ‘yun! Tyaka ‘di ba sabi nung Selene ata? Basta! Sabi niya mamahalin niya pa rin si Chron kahit malayo na siya –like duuh! Ang corny naman nun =_____= Nung kinu-kwento nga ni Psyche sa akin ‘yun eh muntik na akong magsuka sa kakornihan. Amputa nga eh.

Tumayo ako at lumapit sa kanya. Flirting mode –on!

Hinablot ko ‘yung phone niya, “Hoy ibalik mo nga ‘yan!

Tsss… Selene na naman? Psh.” In-end ko ‘yung call tapos dumiretso ako sa contacts niya. Dinelete ko ‘yung number ni Selene at nilagay ko ‘yung number ko. Mwhahaha!

Anong ginagawa mo?!” Tanong niya.

Nginitian ko siya, “Ginagawa ang dapat.

Hinablot niya ‘yung phone niya tapos nanlaki ang mata niya. Scroll siya ng scroll sa contacts niya. Hinahanap niya siguro ‘yung number ng ex niya. Hahaha!

Damn! Anong ginawa mo?! Shit hindi ko pa naman memorize ang number ni Selene!” Bulalas niya.

Kaya ka hindi maka-focus sa Student Council eh. Tsk tsk…

Habang hinahanap niya pa rin ‘yung number nung Selene biglang lumapit ‘yung teacher na in charge sa Student Council –Mrs. Perez ata pangalan nito?

Lumapit siya kay Chron, “President, alam mo na bang nag-transfer si Bernadette ng school?” Tanong nung teacher.

Bernadette? Yung secretary ng Student Council? Bakit?! Kailangang-kailangan ko pa naman siya ngayon! Bakit ngayon pa siya umalis?!” Mukhang badtrip na badtrip si Chron ah. Malamang, sino bang hindi mababa-badtrip ‘pag dinelete mo ‘yung number ng mahal niya? Tss…

The Break Up Planner (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon