{ TBUP -75: Sisters }

382K 6.8K 1.6K
                                    

{ TBUP –75: Sisters }

 

 

 

--Ericka’s Pov--

 

Matapos ang umaatikabong panghuhula ko na sobra kong namiss :””> Eh bumalik na ako sa loob ng bahay at pumunta na sa kwarto ko, gusto ko na kasing mag-meme kaso pagkapasok ko sa loob ng kwarto ko eh andun pa rin pala ‘yung girlash na nagpabuntis at junakis niyang pagka-cute. Haaay… saan kaya ako matutulog neto? Sa papag? =__________=

Ah, sa papag na lang kami ni Baby Zee matutulog. Nakakahiya naman eh kama mo ‘to.” Sabi naman ni Yanna pagkakita niya sa akin.

So alangan naman na eh ‘yung bata hayaan kong sa papag matulog eh bata ‘yun?! Eh ‘di ako naman ang binangungot ng konsensya ko kung hahayaan ko ‘yun! Anak ng lenggwa! Papatayin ba ‘ko neto?!

Ah huwag na. Ako na lang sa papag. Kawawa naman ‘yang anak mo kung sa papag matutulog.” Nginitian ko siya—oyy, pasalamat siya ngumiti ako ha! Mahal kaya ‘tong ngiti ko! Lels xD

Salamat.” Tugon niya sabay ngiti rin. Andugas! Kay-anghel ng mukha!

Kumuha na ako ng extra bed sheet sa aparador kasama ang unan at kumot tyaka ko nilatag sa sahig eh dahil sa may anghel akong kasama sa kwartong ‘to eh tinulungan niya akong maglatag. Bait ‘no? Sana kunin na ni Lord. Syempre joke lang ‘yun, hindi naman ako ganun kasama!

Matutulog na sana ako nang tabihan ako ni Yanna sa higaan ko—anak ng! Binigay ko na nga ‘tong kama ko sa kanya tapos pati sa sahig makiki-share pa siya?! Sugapa ka ‘teh?!

Alam mo, dati ganito rin kami ka-close ng Mommy ko.” So anong palagay niya sa akin? Mommy niya?! Seriously, do I look like a mother?! Maygaaash! “Kahit 18 years old na ako tumatabi pa rin ako sa kanya sa pagtulog kaso… biglang nagbago ang lahat.” Malungkot ‘yung boses niya, sobra. “Athena, kailan pa naging mali ang magmahal.

Andrama ni Ate oh! Ano ‘to taping ng MMK?! Makapagtanong naman kung maling magmahal—jusme! Ang taray! Pang-MMK talaga ang peg! Imbes na maaawa ako natatawa ako eh. Letse! Ang korni! :)))))

Hindi ko naman talaga iniwan si Zico.” Eh laking pasasalamat ko nga nung iniwan mo eh! Kaso ampucha bumalik pa eh! Ang mas masaklap pa, leche may extra luggage! Shet lang! “Pinilit lang ako ni Mommy, ayaw niya kasing malaman nila Tito Sev na may anak kami ni Zico, na buntis ako. Ayaw niyang ipakasal kami kasi mahal niya si Tito Sev. Kaya dinala niya ako sa Japan, sabi niya sa Europe pero ibinalik niya ako sa Japan. Bantay-sarado ako run, kaya hindi ako nakabalik hanggang sa manganak ako run sa Japan…

The Break Up Planner (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon