Chapter LIII & LIV-A

51.5K 898 67
                                    

CHAPTER LIII

 

“Welcome back sa Memory mo Jinx~!!! Alam mo bang na-miss ko ang kamalditahan mo?! Kaya etong para sayo bebe!” Kasalungat sa mga nakagawian ng mga magbabarkada na na-miss ang isa’t-isa, imbes na yakapin hanggang sa masakal… BINUHUSAN lang naman nila ako ng tubig. Ang malala pa, nasa school premises pa kami.

“Pakingshet People!” sigaw ko sabay tapon, oo tapon talaga, sa kanila sa swimming pool. “Ano?! Pano tayo makakapagtake sa exam ngayon ha?!” Kahit na ilang mineral bottle lang niligo nila sakin, para pa rin akong nakisali sa swimming sa sobrang basa ko.

Kainis! Lagot ako pagmatandang dalaga naging proctor ko.

“At nag-alala ka pa sa exam teh? Nag-absent ka pa nga ng isang linggo e, di ka man nga lang tumawag para magtanong! … Oy Ming, etong sayo~!” sagot ni Cyl saka bumalik sa pakikipaglaro kay MingMing na may pa-habulan chenes pa sa tubig. Aish, anlalanding mga bata… di naman magjowa!

Well, as I can see, masaya naman sila sa paglalaro nila kaya hinayaan ko nalang. Miss ko na rin ang kabaliwan nilang dalawa pati nung iba… which unfortunately, hindi pa dumarating. Sadyang late talaga sila when it comes to Departmental Exam Days.

Naupo nalang ako sa mga upuang nasa gilid ng swimming pool habang pinapatuyo ng tuwalya ang buhok at buong katawan ko. “Kelan ba dating nila Ryza at Ashley?”

“Wag ka ng umasa sa mga topak na ‘yon teh. Late panigurado ng 30 minutes ang mga genius~!”

“Genius nga…” Isang oras lang kasi nila tinapos ang exam last Departmental exam sa major namin dahil nga na-late sila. But all thanks to their genes, pasado pa din. Mga IMBAng bata!  

“Cyl naman e~!!! Sali mo ko, selfie, dali~!”

“Ayaw, pang-maganda lang ‘to Ming.”

“De dapat pala ako nalang magselfie. Akin na!”

Hay naku, di kami mapagkakamalang mga estudyante base sa mga kilos namin. Exam na 1 hour from now, tapos anong ginagawa namin? Laro-laro lang parang nasa kinder!

Na-miss ko ang ganito. Mga kabaliwan naming magkabarkada. Kaya nga kahit kaninang madaling-araw lang kami nakauwi, tinawagan ko kaagad sila para maging maaga ngayon and you know… enjoy~! Hehe.

Nauwi pala kami ng Manila nang dahil sa pagtawag daw ni Xyla. Makikipag-usap daw ang parents ni Xavier samin e, at kinakabahan ako ng tunay.

Kabog toda max ang heart ko kanina kasi akala ko ngayon ‘yong meeting… buti nalang bukas pa.

Bzzt. Bzzt.

Nabaling ang atensyon ko sa naka-silent kong phone na nakita ko na ngayon. Let me explain what happened okay?

Remember the day na gumawa ako ng napakalaking eksena dito sa school? Yes yes yow! ‘yon ngang naghi-five ako sa face ng aking biological mother. Nahulog ko pala ang phone ko at si Cyl ang nakapulot. Buti nga lang talaga hindi nasira ni nadaplisan ang screen, baka mapaulanan na naman uli ako ng sangkatutak na sermon ni Kuya Johna. Sya kasi bumili nyang para sakin e.

I'm courting my geek Professor [PUBLISHED BY VIVA PSICOM]Where stories live. Discover now