Chapter LIV-B

46.3K 944 126
                                        

“Akalain mo ‘yon, magkikita tayo ulit sa ganitong pagkakataon.” Sabi ng Mama ni Xavier kay Papa. Malamang magkakilala sila noon pa, sa paraan kasi ng pagkakausap nya kay Papa... parang may past sila, but not in the romantic way. “Hindi ko din akalaing--”

“He would be rich after being… my mom’s ex-driver?” singit ni Kai kaya lahat ng atensyon ay nabaling sa kanya. “You know Tita, you can’t foresee what will happen in the future. You see? Mas mayaman pa sya, mas malaki pa ang kompanya nya compared to ours.”

“Kai, you don’t have to say that because I know.” Sagot naman ng Mama ni Xavier na halatang nagtitimpi lang kasi kanina pa singit ng singit si Kai sa usapan.

“Oh. I’m sorry.” Siniko ko si Kai nang uminom sya ng juice. Yae na, bakit ang sarkastiko pakinggan ng paghingi nya ng paumanhin? “What?” tanong nya sa akin at kita ko sa mga mata nya na seryoso sya. “I thought she didn’t know; that’s why.”

Pinagpatuloy namin ang pagkain. Nakakabingi nga ang katahimikan e, ‘yong utensils lang na ginagamit namin at ingay ng ibang  customers ang tanging naririnig ko.

Pansin ko may something kay Kai at sa Mama ni Xavier. Sa twing sisingit kasi si Kai, nagkakaroon kaagad ng saglit na katahimikan sa mesa.

“It’s good to hear that our son’s girlfriend is the daughter of someone we already know. At least we know she cam from a good family.” Biglang sabi ni … Mr. Charles, Tito Charles, or Papa Charles? Yae, ano ba itatawag ko sa kanya? Tss. Ay ewan, basta ‘yong Papa ni Xavier.

“Sumasang-ayon ako pero Charles, we still haven’t understand anything yet about her mother.” Napalunok ako ng laway nang bigla akong titigan ng Mama ni Xavier. “Xavier said it was complicated. At anong dahilan? Care to tell the story?”

Gusto ko ng tumayo at tumakbo. Putek, bakit ba parang ang bitter ng Mama nya sa akin? Hindi ba pumasa sa standards nya ang beauty ko? Seryoso. Ano bang nagawa ko at parang ang taray nya sakin?!

“No need.” Putek! Pinanlakihan ko ng mata si Kai nang sumingit na naman sya.

Oo, magkakilala sila… pero sa twing sasagot si Kai, pakiramdam ko nababawasan ganda points ko sa parents ni Xavier ko lalo na sa Mama nya.

“I’m not asking you.” Bakas na ang irita sa boses ng Mama ni Xavier.

Pansin kong sasagot na sana si Kai pero inunahan ko na sya sa pagsasalita. Ako ang tinatanong kaya nararapat lang na ako ang sumagot. “I apologized for my brother’s rudeness. Ganito po kasi ‘yon--” Nahinto na naman ako ng sumagot si Kai sa sinabi ko.

“Rude? I’m not.”  

“Kai.” Binigyang diin ko ng bigkasin ko ang pangalan nya. I want this to end already, please? So, I’ll just tell her the whole story. ‘yon ang gusto kong ipaabot sa kanya gamit lang ang tingin kaso, walang epek.

“Why do you have to waste your time telling her something she already knew, Jinx?” Taas boses nyang sabi sa akin kaya di ako nakaimik. Ngayon ko lang ulit sya nakitang ganyan. Hindi lang sya naiinis. Galit sya. Galit si Kai. 

I'm courting my geek Professor [PUBLISHED BY VIVA PSICOM]Where stories live. Discover now