Part 27

872 15 0
                                    

Tumayo ako at tinignan yung ways na ginawa ko, hmm. I should prepare myself for tomorrow's twist. Sino kaya ang magiging masungit samin ? Ako o sya? 

://

*Whistle Whistle*

Pumasok ako sa c.r. ng pumipito, good vibes ako e. As usual naka insert ang earphone ko, pati na din ang mga kamay ko sa bulsa ko, pagkatapos kong mag c.r, malamang lumabas na ko. 

"Hoy! " ang lakas ng boses na galing sa c.r ng mga babae,  tinanggal ko yung earphone ko, pagkatingin ko dun sa c.r. ng mga babae si Mhimoi pala, papansinin o hindi? HINDI! Tinignan ko lang sya, para syang batang nakasilip dun sa ding sing ng c.r. nila, wala atang ibang babae. Malay ko? Aalamin ko pa ba yon ? Sinuot ko ulit yung earphone ko at nagsimulang lumakad

"HOY! PLEASE !" yung narinig ko yung please na ang lakas lakas talaga, nagtaka ako, tinanggal ko yung earphone ko

"BAKIT BA HA !" hindi ko sya nilapitan, mamaya sumigaw sya ng rape matrouble pa ko, nakatayo lang ako sa kinakatayuan ko at hindi humakbang ng kahit kaonti

"Tara .. " bulong nya, ano ko tanga? Hindi no!

"Ano ba yon ha?! late na ko, may sasabihin kaba ha?! " pagsusungit ko sa kanya, aalis na sana ko pero bigla nanaman nya kong tinawag

"Ano ba ! meron kasi ako! " lumingon ako sa kanya, anong pake ko ha? Anong meron? Pake ko kung anong meron sya! 

"Anong meron ha?! Meron din ako no ! Wala akong pake kung anong meron ka!" inalisan ko na sya

"Tanga ! May mens ako ! Ano ba ! "

"Ha ? " nanlaki yung mata ko, e bat nya sinasabi ha? anong gusto nyang gawin ko? O_O

"Ano kasi, magkakatagos ako. Bilhan mo ko ng napkin " 

Ang Babaeng Impakta ( the bad boy meets the bad girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon