Part 40

735 12 1
                                    

1 message received from +63907#######

" San ka ba nanggaling? " napalingon ako bigla sa kanya. Binulsa ko na yung cellphone ko.

://

" Atsaka bat may cartolina ka? " wala akong maisagot sa kanya. Nabalin naman yung atensyon ko nang pumasok sa van si Bling ba yon? Ewan basta yung mukhang paa.

" Wala, ano bang pinunta mo dito? " sagot ko kay Mhimoi

" Wala din bakit? " 

" Papasok na ko kung wala ka ng sasabihin " nagsimula na kong maglakad.

" Ang sungit naman nito ! " sigaw nya sakin

" E sino ba kasi yang mukhang paa na yan? " sigaw ko sa kanya

" Mukhang paa? Ha? Sino? " pagtataka nya

" Yung mukhang paa nga!"

" E? si Bling? wala yan. Teka, thank you nga pala kanina ha. First time ko sumali ng amazing race " Bigla nya kong nginitian at dumila ng nagpapacute. Hayyy heaven. Ang Babaeng Impakta ay nagpapacute Grrr.

" Sige aalis na ko " bigla syang tumalikod at nagsimulang lumakad 

" Ha? ngayon na? "

" Bye " sinara nya na yung pinto ng van at nagsimula ng umandar. I remember that van, dyan nya ko unang ninakawan ng halik.... sa dibdib.

" ARF!  ARF ! " pumasok na ko. Papunta na sana ko ng kwarto ko nang biglang bumukas yung pinto ng kwarto ni Shenak, nasa labas sya

" Bakit?! " tanong nya 

" May muta ka panget! " Sigaw ko sa kanya. Sinarahan ko sya bigla ng pinto sa kwarto ko. Yes! nakaganti din ako sa kanya

" Kuya, tulog ka na po ba? " sino yon? ang lambing ng boses. Si shenak?

" Kuya, naiihi po ako. Ang dilim. Natatakot po ako. " oo nga pala, takot nga pala yung kapatid ko sa multo. Binuksan ko yung pinto ko

*BRAGAG!

" Hinston!! " 

" Hindi ako yon Ma! " bwisit talaga tong Shenak na to. Akala ko naman magpapasama talaga. Wala, binalibag nya lang yung pinto nya. Sira ulo talaga tong bata na to. Sinara ko na yung pinto ko, pumunta ko dun sa side table ko, kinuha ko na yung ginawa kong ways para kay Mhimoi. Sinulat ko ulit yung mga yon sa cartolina. Buti naman may pentel dito sa desk ko. Dinikit ko na yung cartolina sa kisame.

://

Pagkabukas ko palang ng pinto ng kwarto ko, sinalubong agad ako ni Shenak

" Nauna na si Mama, may meeting daw sila. Nagluto na sya ng ulam kaso lang naubos ko na e. Magluto ka na lang ng sayo ha. Bye! " kinuha nya na yung bag nya at lumabas ng pinto

" Hoy! " Anak ng! Umagang umaga e!

*BRAGAG!

" ARG! CHANAK!! " pumasok ulit ako ng kwarto ko at kinuha yung towel ko. Maliligo na ko. Bwisit talaga tong batang to! Sa school na ko mag-aalmusal, nakakawalang gana dito.

" Oh? hindi ka na mag-aalmusal? " nagulat ako bigla, akala ko multo. Si Mama lang pala. Epal talaga yung chanak na yon!

" Kala ko ba Ma may meeting ka? " tanong ko kay Mama habang nilalagay yung towel ko sa upuan ng lamesa

" May meeting nga? Hrmp. Bakit? " kumuha sya ng pinggan

" E bat di ka pa umaalis? " kinuha ko yung pinggan na inabot nya

" Bakit?! hrmp. Gusto mo na kong palayasin ha?! hrmp hrmp. " Ubo sya ng ubo. Tsk

" Hindi ah, sabi kasi ni Shenak ay Shena may meeting ka daw? " Sabi ko sa kanya habang sya naman busy sa pagsusuklay ng buhok nya

" Meron nga. kaya nga gagabihin ako hrmp ."

" Ahh ok. " 

" Oh kumain ka na. " 

" Sige Ma, ikaw? Kumain ka na ba?" umupo na ko 

" Hindi pa, sige na mauna kana. Hrmp hrmp! " 

" Bat inuubo ka Ma? Uminom ka na ba ng gamot? " kumuha na ko ng kanin ko

"Oo. Kumain ka na nga lang dyan " Pumasok na sya ulit sa kwarto nya

HRMP! HRMP!

Ang lakas ng pag-ubo ni Mama. Masyado kasi syang napapagod e. Natapos na kong kumain, hinugasan ko na yung plato ko, lumabas na ng kwarto si Mama. Nagsimula na syang kumain, ako naman naligo na. Pagkatapos kong maligo, dumiretso ako sa kwarto ko at nagbihis. Bago ako umalis, binuksan ko muna yung kwarto ni Mama, nakahiga lang sya.

" Okay ka lang Ma? " 

" Oo, ano kaba, malelate kana, diba nine pasok mo? Magteten na ha! Hrmp hrmp."

" Hindi Ma, wala kasi kaming prof sa first subject namin. Teka? nagpacheck up ka na ba? " pumaosk ako sa kwarto nya

" HRMP! HRMP! " hinimas ko yung likod nya, binaba ko muna yung bag ko sa gilid ng kama nya. Hinawakan ko sya sa noo, buti naman hindi sya mainit.

" Ayos lang ako. Hrmp. Pumasok ka na. " tumalikod sya sakin

" Tinawagan ko na si Doc. Eric, papunta na daw sya . "

" ... " hindi na sya umimik, lumabas muna ko ng kwarto at tinawagan na nga si Doc Eric, isang doctor namin ni Shenak simula nung mga bata palang kami

" Doc, free kaba ngayon? " mahinang sabi ko , baka kasi marinig ako ni Mama

" Oo bakit? May sakit si Shenalyn? " 

" Opo sa utak " 

" Ha? " 

" Wala po, si Mama po kasi--" nagulat ako nang biglang lumabas si Mama sa kwarto nya, nakauniform na sya. Ang bilis nyang magbihis ha

" Oh ano? Andyan na si Doc? O tatawagan mo palang? " sinara nya yung pinto ng kwarto nya

" Ha? " binaba ko bigla yung cellphone ko.

" Ano Ma, biglang nacancel. Ano daw kasi, may pasyente daw sya " nangangatal na sabi ko

" Ahh, kamusta daw yung pasyente nya? " nilagay nya yung bag nya sa couch namin

" Ano Ma. Ahh ayos na daw" lumapit ako sa kanya

" Talaga? E yang zipper mo anong sabi? " bigla kong kinapa at tinignan yung zipper ko. Bwisit! Buti hindi pa ko pumapasok. Argg!

" Hrmp! oh sya, alis na ko. Isara mo yung pinto ha! Hrmp hrmp. May nagtangka daw kahapon kaya umingay yung mga aso. Hrmp hrmp. Sira ulo talaga mga tao ngayon oh! Pati village napapalibutan na ng mga magnanakaw. Uhurmp! "

" Oh hinay sa pag-ubo Ma, narinig ko nga yon Ma, nagtahulan daw yung mga aso dahil nga daw sa magnanakaw na yon. Balita ko nga sobrang gwapo daw ng magnanakaw na yon e!" hahaha, ako kasi yon. Yun yung time na nagmadali akong bumalik dito sa bahay dahil nga sa costume na nagpaiwan.

" Gwapo? hrmp! hrmp! Wag mong sabihing bakla ka?! "

" Oy hindi ah! Alis na nga ko, bye! " dumiretso na ako sa kwarto nya para kuhain yung bag ko, lalabas na sana ko ng pinto pero sumara na yon. Means, umalis na si Mama.

" Hay Mama, pinagmanahan nga naman ni Shenak. "

:// end of part :// 

- girllivingtodfullest

Preventionn is better than cure- Doctors

Alagan natin ang may mga sakit. Wala lang, mema lang ako. HAHA

Ang Babaeng Impakta ( the bad boy meets the bad girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon