Part 65

637 11 3
                                    

" Hoy! Ikaw ha! Anong Hinston?! Bakit ate Shena ha! Ano ba yang tinatago mo ha Ate? Ate? Ha? " pang-aasar ko sa kanya.

" E kasi naman kuya e! Ang dami mong tanong! Magtiwala ka lang sakin. Kahit ngayon lang please? Mag-enjoy muna tayo, swimming muna tayo. Okay? Tsaka ko na sasabihin sayo pag nasa bahay na tayo. " naconvince naman nya ko.

" Promise? " sabi ko.

" Promise " 

://

" Ice cream, still need something Ma'am? " sabi ng waiter kay Shena

" Nothing, thank you " kinuha naman nya yung ice cream. Sabay-sabay na kaming kumain, nakaupo kaming siyam sa malaking lamesa. Kasama namin sila Doc Eric at Mrs. Cooper. 

" Wait Shena, you're not allowed to eat that. You'll gonna have brain freez and it's not good for you. " pagsasaway naman ni Mrs. Cooper kay Shena

" Oh? Narinig mo yon? " sabi ni Drake habang kinukuha yung ice cream ni Shena. Wala namang nagawa si Shena. Katabi ko sa lamesa si Mhimoi at Drake. Ang arrangement ng upuan namin eto: Si Mhimoi, Ako, Drake, Shena, Afisha, Grace, Vince, Doc Eric and Mrs. Cooper

" Akala ko talaga noong una, nangliligaw sayo si Bling " sabi ko kay Mhimoi habang sumusubo sya ng pagkain nya.

" Ha? Hindi no. Guard ko lang sya, nakiusap kasi yung tatay nya kay Papa na i-hire sya " uminom naman sya ng juice nya.

" Ahh.. Teka, diba bawal ang guard sa New Trend? Pano sya nakapasok? " sumubo naman ako ng pagkain ko.

" Nagtake sya ng course sa University natin para makapasok sya, hindi naman sya pwedeng mag act na guard ko sya dahil bawal nga yon sa University natin. " sumubo ulit sya ng pagkain nya.

" E bakit kailangan ka pa nyang bantayan ? " natahimik naman sya sa tanong ko.

" Teka, anong juice to? Ang panget ng lasa. Pwe! " pinindot naman nya yung botton sa upuan nya. Lumapit naman yung waiter.

" Yes Madam ? " nagbow yung waiter.

" I told you never to have this drink right? " nagulat naman ako. Nagtinginan din kaming lahat sa kanya

" Sorry Madam " kinuha naman nung waiter yung drinks ni Mhimoi

" Just water " umalis na yung waiter at nagsikain na ulit kami. Ewan, parang natakot ako sa kasungitan nya. Hindi ko muna sya kinausap. Pagkatapos naming kumain, dumiretso na kami sa kanya kanya naming unit. Ganon parin, kasama parin naming magkapatid si Afisha. Sa gitna si Shena at ako naman ang nakatapat sa balcony. Ang hitsura ng room namin ay hindi pangkaraniwang hotel, hindi katulad ng Manila Hotel o ng The Heritage. Although maganda sa hotel na yon, masmasasabi kong masmaganda ang Paradasmith Hotel. Kung hindi lang ako nakatira sa Pilipinas, hindi ko iisiping ang Paradasmith ay nasa Pilipinas. Napakalamig kasi sa Hotel na to. Siguro kung hindi sanay sa aircon ang isang tao, sisipunin sya. Malawak ang loob ng room namin at malaki ang C.R. May heater ang bawat C.R at kumpleto sa mga kagamitan. Ang kwarto naman ay binubuo ng iba't ibang desenyo. Magkano kaya ang pagawa nila dito?

" Hinston " nagulat naman ako nang magsalita si Afisha. Gising pa pala sya?

" Oh? Gising ka pa? " humarap sya sakin.

" Sinabi sakin ni Shena na tinatanong mo daw yung about kay Mhimoi. " so may alam sya?

" Oo, bakit? Alam mo ba kung bakit daw? " humarap din ako sa kanya. 

" Malamang, sya yung pinagsasabihan ko " sabat naman ni Shena.

" Do you still remember what I've told you noong nasa eroplano tayo going to Paradasmith? " napaisip naman ako.

Ang Babaeng Impakta ( the bad boy meets the bad girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon