Part 56

695 9 0
                                    

" Ikwento mo na lahat ng tungkol kay Afisha, lahat lahat! " ahh oo nga pala, sayang naman. Akala ko malalaman ko na lahat ng tungkol kay Bling.. 

  ://

" Hrmp " bigla akong nasamid. Humiga na ko at nilagay yung likod ng palad ko sa noo ko at itinaas yung kanang tuhod ko.

" Simulan mo muna kung pano kayo nagkakilala " sabi nya, nakagilid sya ng higa pero hindi ko nakikita yung mukha nya, anong oras na ba? Mukhang hindi na ko makakatulog ah.

" Naging classmate ko si Afisha noong first year high school ako, dun din sa New Trend University. Hindi ko sya kilala at hindi din naman nya ko kilala, masbata sya sakin at masmatanda naman kami nila Vince at Grace sa kanya, si Grace ang nahiwalay samin. Magpinsan sila ni Afisha. Ibang section si Grace, masmababa ng isa. Nung unang encounter ko sa kanya, haha. Kapag naaalala ko talaga natatawa ko---

" Ituloy mo nalang, ang dami mo pang segway e. " sabat nya

" Oo sige eto na" hiniga ko na yung tuhod ko. Medyo nangawit ako tapos tumagilid ako sa kanya

" Mabait si Afisha, yung tipong kapag may nakita syang matandang maraming bitbet e tutulungan nya kaagad kahit pa masmalaki pa yung kakargahin nya kaysa sa kanya. Nung first year high school kami, may ale na nakasalubong ko, hindi ko naman sinasadya na mabangga ko sya, biglang nahulog yung mga dala-dala nya. Ewan ko pero masyado akong tamad tumulong ng mga oras na yon, hindi ko sya pinansin at dumiretso lang ako sa paglakad ko. Maya-maya lumapit si Afisha, bigla nalang akong binatukan kahit na masmatangkad ako sa kanya. Binugahan ko sya ng usok ng sigarilyo ko sa sobrang galit. Sya kasi yung unang babae na nakabatok sakin. Sabi ko ng pasigaw, anong problema mo ha!, tapos binatukan nanaman nya ko, hindi ako nakapagsalita non. Nag-iinit talaga yung dugo ko sa kanya. Bigla syang lumapit sa matanda at tinulungang ayusin yung mga dala-dala ng ale. Nakatitig lang naman ako sa kanya habang umaalis sila papalayo. Maya-maya e hindi namalayan ni Afisha na may dumi sa dinadaanan nya, sisigaw sana ko kaso lang naalala ko binatukan nya nga pala ko. Kaya ayon, pinanood ko lang syang maglakad hanggang sa matapakan nya na nga--

Ang Babaeng Impakta ( the bad boy meets the bad girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon