Part 64

576 9 0
                                    

" Marunong namang magtagalog si Misis, ang kaso. Usually ang duty nya kasi sa ibang bansa. Teka nga, ikaw ba may masakit pa sa'yo ? " tanong naman ni Doc. Eric kay Shena.

" Ah wala na po, ayos na po ako." 

" Mabuti naman, Oh sya, magpahinga muna kayo. Masmaiging magpahinga muna kayong magkapatid. " lumabas na sila Doc Eric at Mrs. Cooper.

://

" Ang saya naman ng bakasyon natin " sarcastic na sabi ni Vince

" Haha! Sensya na tol, nadali e!" ngumiti naman sya

" Oh? Pano ba yan? So uwi na tayo? " nagulat naman ako.

" Ha? May linggo pa naman pre, tsaka mamaya okay na ko. Ako pa!" ngumiti lang sya at kinausap si Grace. Napatingin naman ako kay Shena, nag-uusap sila ni Afisha. Tinignan ko naman si Mhimoi, mukhang may pinagtatalunan nanaman sila ni Drake. Napatingin nalang ako sa kisame at napaisip. Hay nako naman, akala ko okay na ang lahat. Akala ko si Shena lang ang may problema. Pati pala ako.

Pagkatapos ng ilang oras, nagdesisyon na kong magdischarge. Hindi naman kasi ako sanay sa hospital. Dumiretso kami sa hotel ng Paradasmith. Kasama ko si Shena sa kwarto at gusto naman ni Shena na kasama si Afisha. Wala namang problema kaya pumayag ako, masmaigi na rin yon para may mag-asikaso sa amin. Natulog sa king bed si Shena katabi si Afisha . Matutulog sana ako sa couch pero sinabi ni Afisha na tumabi nalang ako sa kanila, nasa gitna namin si Shena. Masyado akong nagulat sa mga nangyari ngayong araw kaya naman minarapat ko nalang na matulog.

8:00 PM 

Pagkagising ko, akala ko umaga na. Hindi ko naman napansin na ilang oras pala akong natulog, wala na sila Shena at Afisha pagkagising ko. Sinubukan kong lumabas sa unit namin para hanapin sila. May nagbabantay palang guard sa labas ng unit namin, tinanong ko naman sya.

" Nasan na yung dalawang babae na kasama ko kanina? " naka all black sya, kung hindi ko lang sya napansin na isa sa mga nag-alalay samin kanina. Baka akalain kong magnanakaw sya.

" Ibinilin po ni Madam Mhimoi na kapag nagising kayo, sabihin ko daw na nasa sports center sila." sports center? Saan naman yon?

" Alam mo ba kung asan dito ang sports center? " nagnod naman sya. Sinundan ko sya sa paglalakad. Pumasok kami sa elevator, elevator na transparent. Kitang kita ang view ng buong Paradasmith. Napakaparaiso ng lugar nato. Kapag ayos na ang lahat, babalik ako dito at isasama ko si Mhimoi.

" Andito na po tayo " nakita ko kaagad si Vince na inaalalayan si Grace sa bowling. Napangiti naman ako dahil kahit papano hindi sila nagpadala sa nangyari kanina. Hinanap ko naman si Shena, nagtetennis sila ni Afisha. Nilibot ko naman ang mata ko para makita si Mhimoi, nagvivideo games sya. Teka? Pano nagkaroon ng videogames dito e sports center nga to?

" Tol! " nagsitinginan naman silang lahat sakin nang sumigaw si Vince

" Pre! " kumaway naman ako sa kanya at lumapit.

" Nanghihipo ka nanaman kay Grace ha! " sabi ko at tumawa naman sya. Hindi ko trip ang bowling. Ano kayang magandang gawin? 

" Swimming? " napatingin naman ako. Si Mhimoi pala.

" Tara swimming tayo! " sigaw ni Vince.

" Wait, are you allowed to swim? Baka naman magalit si Doc kapag nagpagod kayo? " sabi naman ni Afisha.

" I ask Dr. Cooper. Sabi naman nya, okay lang daw. Masmaganda ding magsaya tayo para matanggal yung stress. Wag lang daw masyadong magpapagod." sabat naman ni Drake. Nagsibitawan naman ng hawak silang lahat at excited akong hinatak papuntang swimming pool. Nang nakalabas na kami ng sports center, hinubad ko kaagad ang sando ko at agad na tumalon. Yung mga babae naman nagsidiretso sa C.R. Ano namang gagawin nila? 

Ang Babaeng Impakta ( the bad boy meets the bad girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon